Wednesday, October 29, 2014
Pasasalamat (Xander Atas)
Salamat sa inyo oh mga ninuno ko. Namumuhay kami'ng matiwasay ngayon bagkus kayo ay nagbigay ng mga ideya sa amin upang gumawa ng teknolohiya. Ang mga produktong inyong likha ay napaunlad pa ng aming mga munting pagsasaliksik. Salamat ng marami dahil kung wala kayo ay di uunlad ang ating lupang tinubuan. Marangal ko kayong ipagmamalaki sa mga taong aking makakasalamuha sa iba't-ibang lugar sa ating malaking daigdig. Nais ko lang iparating ang aking pasasalamat at ang aking pagtanaw ng utang na loob. Yun lamang po. ...
Monday, October 27, 2014
Aking Pasasalamat (Chardilaine Gloriani)
Lahat ng bagay na mayroon tayo ngayon ay nagmula pa noong
unang panahon. Lahat ng mga kung tawagin nating ‘high tech’ na mga bagay ay
nagsimula sa mga simpleng mga bagay na gawa ng ating mga ninuno. Halimbawa, ang
dating mga bagay tulad ng bato. Dati ay ginagamit ng ating mga ninuno ang bato
para panghiwa ng mga bagay. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ang bato ay naging
kutsilyo.
At
dahil sa mga pagbabago at mga natutuklasan ng ating mga ninuno ako’y
nagpapasalamat sa mga bagay na natatamasa at naeenjoy ko ngayon. Nagpapasalamat
ako sa mga ninuno natin dahil kung wala ang kyuryosidad nila, maaring wala ang
meron tayo ngayon. Nakakatuwa lang isipin ang pag-unlad ng mga bagay sa ating
paligid. Ngayon ay napakamoderno na ng ating panahon. Maraming mga bagay na
malaki na ang iniunlad. Salamat sa mga natuklasan ng Mesoamerica, Mesopotamia, Indus, Tsina at Ehipto. Dahil sa kanila nbagsimula ang mga nalalaman at kung anong meron tayo ngayon.
Nawa
ang mga tao ngayon ay patuloy at hindi mapago na tumuklas ng mga bagay na mas
makakatulong sa ating mga tao. Ngunit sana ito’y para sa ikabubuti at hindi
para sa masama.
Walang Ibang Masabi Kundi... Salamat sa Inyo (Reflection 3 - Jesusa Antoinette Andaya)
Sa mga mamamayan ng mga sinaunang kabihasnan,
Lubos akong nagpapasalamat sa mga bagay na nagawa ninyong lahat para sa aming mga tao sa kasalukuyan. Ang mga bagay na inyong naiambag ay talaga nga namang kapaki-pakinabang para sa amin. Hindi ko man isa-isahin ang mga bagay na iyon, sa inyo, kabihasnang Sumer, Indus, Tsina, Egypt, at Mesoamerika. Ang mga bagay na inyong nagawa para sa amin, ang mga bagay na isinakripisyo ninyo, sa tuwing ito'y aking maaalala, walang ibang masabi kundi, salamat sa inyo.
Lubos na nagpapasalamat,
Jhe-Ann Andaya
Lubos akong nagpapasalamat sa mga bagay na nagawa ninyong lahat para sa aming mga tao sa kasalukuyan. Ang mga bagay na inyong naiambag ay talaga nga namang kapaki-pakinabang para sa amin. Hindi ko man isa-isahin ang mga bagay na iyon, sa inyo, kabihasnang Sumer, Indus, Tsina, Egypt, at Mesoamerika. Ang mga bagay na inyong nagawa para sa amin, ang mga bagay na isinakripisyo ninyo, sa tuwing ito'y aking maaalala, walang ibang masabi kundi, salamat sa inyo.
Lubos na nagpapasalamat,
Jhe-Ann Andaya
Pagtanaw ng utang na loob ni Ian Christian Hinay
Mula sa sikat na katagang "Ang hindi lumingon sa pinagmulan ay hindi makararating sa patutunguhan". Ito ay nasasalamin sa buhay ng tao at dapat na ugaliin. Ang pagtanaw ng utang na loob sa mga nagawa ng ating mga ninuno. Mula sa mesopotamia at sa lahat ng mga dinastiya ay dapat nating ipahatid ang lubos na pagpapasalamat sa kanila. Ngunit, dahil sila ay lumipas na paano natin ito maipapakita?. Ang pagpapahalaga sa mga nagawa nila ay napakalaking paraan ng pagpapasalamat. Kaya naman ay nagpapasalamat ako sa mga ninuno nating nag-isip at tumuklas ng mga bagay na nagpapadali ngayon sa ating pamumuhay. Kung wala ang inyong mga ideya at mga imbensyon ay hindi ko lubos maisip kung paano mamumuhay. Muli ay maraming salamat sa inyo at bilang isang mag-aaral ay susubukan kong maging ehemplo at huwaran na nagpapahalaga sa mga na-iambag niyo. Sisiguraduhin ko na ang mga paghihirap niyo ay maipapasa sa susunod na henerasyon.
Blog #3 Juan Paolo M. Pagtakhan
Salamat sa ating mga ninuno dahil ang lahat ng nilikha ng ating mga ninuno ay gumanda at nag improve na tulad ng mga teknolohiya. Mga bagay na mas napadali ang mga gawain sa buhay at mapabuti at mabilis na magamot ang mga sakit at ang pag gawa ay mapabilis at mapaganda.