TEMA: Ang pagunlad ng kultura ng sinaunang tao batay sa mga kasangkapan, kabuhayan at iba pang mga aspekto ng pamumuhay at sining.
Ang mga sinauanang tao ay higit na nagtataglay ng katalinuhan na lingid sa pagkakaalam ng iba. Ano ang dahilan kung bakit ko ito nasabi? Sapagkat, kung ikaw ay mabubuhay sa panahon na wala pa ang mga kasangkapan o mga bagay na magpapadali sa buhay mo ay mapipilitan kang umisip ng mga paraan. Dito papasok ang pagiging madiskarte at maparaan ng mga sinaunang tao. Dahil mahirap para sa kanila ang isang bagay kagaya na lamang ng halimbawang naiinitan sila, maiisip nila na kumuha ng isang bagay na makapagbibigay ng hangin sa kanila upang mapatid ang sobrang init. O di kaya naman ay may mga pagkakataong masusugatan sila sa mga bato at doon ay maiisip nila na maaari itong magamit na kasangkapan. Tulad ng nabanggit ko, ang mga kasangkapan na kanilang ginagawa ay nakapagpapadali sa kanilang buhay ngunit hindi dito natatapos ang pagtuklas. Patuloy silang hahanap ng mga paraang upang mas mapaunlad ang mga kasangkapan nila. Dito nagsimula ang teknolohiya na umuusbong hanggang sa kasalukuyan.
Pagdating naman sa kabuhayan ay ganoon din ang ginawa nila. Dahil hindi lamang pangangaso ang ginawa nila. Sumubok din silang magtanin at mangisda na lubos nilang napakinabangan. Ang mga kabuhayan nila ay nagsangay-sangay hanggang sa lumitaw ang iba pang hanap buhay at dito rin ay umusbong na ang kalakalan na mapahanggang ngayon ay gamit pa rin natin.
At ang panghuli ay ang sining. Kung ako ang tatanungin, sa aking palagay ay ginawa nila ang mga larawan o di kaya mga ukit ay upang ipakita ang pagkilala nila sa mga diyos nila. Maaari ding paraan ito ng pagpapakita ng mga opinyon nila. Ang tattoo ay isa ding sining na ginagawa ng mga sinaunang tao na nagpapakita ng posisyon sa tribo o lugar nila. Ang pagsusulat din ay isang napakahalagang pamana sa atin na dapat nating pagyamanin at huwag nating ipagsawalang-bahala.
Para sa akin, ang pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang tao ay hindi ang mga teknolohiya o kasangkapan kung hindi ang mayamang kultura't tradisyon sapagkat ang mga ito ay hindi mananakaw sa atin at dito tayo nakikilala. Nasa atin na ang pasya kung ang mga kulturang ito ay ipagpapatuloy natin o tuluyan nang lilimutin. Pero ano man ang pasya natin ay pakaisipin natin ang epekto nito sa mga henerasyong susunod pa sa atin.
No comments:
Post a Comment