Bilang isang mag-aaral, isa sa aking mga tungkulin ang mangalaga ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnan. Sa kaugalian o sa kagamitan, maliit o malaki man ay may importansya pa ring katumbas ito hanggang ngayon. Ang mga pamanang kaloob ay patuloy na nagsasalin-salin sa iba't-ibang henerasyon kaya patuloy itong mapapangalagaan at mapag-iingatan. Libo-libong taon man ang lumipas, ang halaga ng bawat pamanang kaloob ay hindi dapat kumupas, bagkus ay dapat pang umunlad. Nawa'y ating maunwaan ang kahalagahang napapaloob at katumbas ng bawat isa. Dahil ang mga pamanang ito ang dahilan kung bakit may pag-unlad sa ating kabihasnan, at dahil sa sumasalamin ang mga ito sa ating mga gawi at kultura na syang magpapakita sa ibang lahi, mapa-banyaga man o kapwa natin Pilipino. Kaya ating ipagmalaki ito! :)
No comments:
Post a Comment