|
Pinakalumang Suklay |
Nagsimula ang lahat sa pagdiskubre ng ating mga ninunong homo species kung paano makagawa ng apoy. Sa pagkakatuklas nila rito, sumunod naman ang paggamit nila ng bato sa kanilang pang-araw araw, ginamit nila ito sa kanilang pangangaso at sa iba pang bagay gaya ng palamuti. Naging artistiko rin sila sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang katawan at pagguhit sa mga bato. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon naman sila ng campsite kung saan ito ang nagsisilbing kanilang tahanan. At dahil dito, nagkaroon sila ng sariling pagkakapangkat sa kanilang lipunan. Sa paglipas ng isa na namang bagong panahon, mas napaganda nila ang paggamit sa bato at natuto na rin silang magtanim, gumawa ng palayok at maghabi. Sa panahong ito ang nagkaroon na rin sila ng permanenteng tirahan sa kanilang pamayanan at hindi na sila palipat-lipat para alagaan ang kanilang pananim. Ang kanilang mga bahay sa panahong ito ay magkakadikit at ang kanilang pinto ay nasa kanilang bubong siguro upang maprotektahan sila sa mga mababangis na hayop. At ang kanilang mga namamatay na mahal sa buhay ay inililibing nila sa loob ng kanilang bahay siguro dahil ayaw nilang malayo sa kanila at nais pa nila na sila ay manatili. Nagkaroon na rin nga mga alahas na gawa sa bato, kutsilyong gawa sa bato at salamin.
|
Mas pinatibay na mga panlaban |
Mas umunlad ang mga tao noon dahil sa pagkakatuklas nila nga tanso, ngunit hindi pa rin nila kinalimutan ang mga gamit na yari sa bato. Sumunod nilang natuklasan ay ang bronse na nakatutulong upang mas maging matigas at matibay ang kanilang mga gamit. Sumunod nilang nagawa ay ang iba't ibang armas na nakatutulong sa kanila ng sobra gaya ng espada, kutsilyo, martilyo, pana at sibat. Natuto na rin sila kung paano makipagkalakalan at pumunta sa iba't ibang lugar. Sumunod nilang natuklasan ay ang bakal na may pinakamalaking naitulong sa kanila. Sa pagkakatuklas nila ng bakal, natutunan nilang mag-panday at gumawa ng matibay na espada gawa sa bakal. Hindi nila ipinaalam kung paano nila nagagawa ang ganitong katitibay na mga bagay ngunit kalaunan ay lumaganap rin ang sikreto nila ukol dito.
|
Lumang Transistor Radio |
Sa kasalukuyan, ang lahat ng kanilang natuklasan ay naging ideya lamang sa atin kung paano makagagawa ng mas maganda at nakatutulong na kagamitan na nagdala sa ating pag-unlad. Ang suklay na bato nila noon ay naging plastic na suklay na ngayon at mas lalo pang nililinang. Nagkaroon rin tayo ng mga radyo at telepono na nakatulong sa ating kumunikasyon. Dapat tayong magpasalamat sa ating mga ninuno dahil sa kanilang ideya at mga bagay na ipinamana sa atin at ngayon ay mas nalinang at naggamit nating mabuti para makaraos tayo sa ating pang-araw araw at para sa susunod pang henerasyon.
No comments:
Post a Comment