Ang mga kultura na mayroon tayo ngayon ay hindi talaga sa ating henerasyon nagmula. Ito ay atin lamang pinagyayaman sa bawat sandaling lumilipas. Mayroong iisang ugat kung bakit ganito ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. Dito pinaniniwalaan ng mga siyentipiko, arkeolohista, at antopolohista kung saan nagmula ang mga tao. Base sa Theory of Evolution, tayo ay nagmula sa Austrolopheticus ang mga taong katulad natin. Sila ang pinagmulan ng mga gamit, kultura, tradisyon, at mga paniniwala na ating patuloy na pinauunlad at pinalalaganap ngayon. Sa bawat pagsubok na pinagdaraanan nila, mayroon silang mga bagong bagay at kaalaman na natutuklasan at patuloy na umuunlad sa kasalukuyan.
Napakahalagang malaman natin ito dahil sa pamamagitan nito, maaari nating i-motivate ang ating mga sarili na ipalaganap, i-preserve, at patuloy na paunlarin ang mga bagay na ibinigay nila sa atin, at ang pinakamahalaga ay ang malaman natin kung sino ba talaga ang dahilan o kanino nag-umpisa ang mga bagay na mayroon tayo ngayon. Sa pamamagitan nito, magiging aware tayo sa mga maaaring maging dahilan ng mga pagbabago, at higit sa lahat, maipagmamalaki natin ito sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment