Saturday, August 2, 2014

Reflection 2: Ang Kaunlaran ng Pamumuhay ng mga Tao Mula Noon Hanggang Ngayon (Glenda Andaya)

            Tunay ngang napakalaki ng kaunlaran na naganap at nagaganap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, hindi lamang tao pati na nga rin ang mga kagamitan tulad ng teknolohiya. Napapaloob rito ang mga pamamaraan ng mga tao upang mamuhay ng payapa at simple. 
            Noong unang panahon natuklasan ng mga Homo Sapiens ang apoy, kung saan sila ay natutong magluto ng kanilang makakain at ang malawakang paghahanap ng pagkain ay nalinang sa pamamagitan ng paghulog sa matatarik na lugar o paglalagay ng bitag para sa mga hayop at pagkain sa mga labi nito. Ang mga pagkain ay nagbibigay daan para sa pakikipagkalakal at pagtatayo ng mga pang-imbak na kagamitan. 
            Ngayong bagong henerasyon, ang paraan ng pagkuha ng pagkain ay napakadali lamang at napakasimple sapagkat pupunta lamang sa mga tindahan o mall upang makabili ng makakain.
            Ang konklusyon ay ang pamumuhay ng mga tao noon ay mahirap at buwis-buhay para lang makakain ngunit ngayon napakadali at napakasimple lamang. Ngunit mayroon rin namang pagkakaparehas ng pamumuhay, ang pagsasaka, pangingisda, o pangangalakal at iba pang pangkabuhayan.

No comments:

Post a Comment