Sa mga sinaunang tao sa panahon ng dinastiya,
Tila nga sa dami ng inyong mga kontribusyon ay di na ito mabilang-bilang. Malaki ang naging papel ng mga kontribusyon na ito sa buhay ng maraming tao. Masasabi ko na kung wala ang mga dinastiya noon na nagbigay ng mga ito, mahihirapan mamuhay ang mga tao ngayon. Nang dahil din sa inyo, nagkaroon ng sapat na kaalaman sa pamumuhay at pag-uugali ang mga taga-Asya dahil sa kultura na pinamana ninyo. Ang mga kaugalian o paraan ng pamumuhay na ito ay pinagpasa-pasa ng mga tao sa mga lumipas na panahon upang maibahagi ito sa mga mamumuhay na mga tao ngayong kasalukuyan. Dahil na rin sa paglipas ng panahon, ang mga kontribusyon na ito ay mas napaunlad.
Ilan sa mga Dinastiyang nagbigay ng mga importanteng kontribusyo na ito ay ang Dinastiyang Hsia. Natutunan natin ang pagtataboy ng baha. Sa Shang naman ay ang paggawa ng mga kagamitan gamit ang bronse, paglikha ng banga at palayok at ang pagbabasa ng "oracle bone" upang makita ang hinaharap. Isa rin sa importanteng kontribusayon ng dinastiyang ito ay ang Lunar calendar. At sa dinastiyang Chou ay natutunan natin ang pag-aararo at paggawa ng sandata yari sa bakal. Ilan lamang ang mga ito sa kamangha-manghang kontribusyon ng mga dinastiya. Hindi sapat ang simpleng pasasalamat dahil sa mga nagawa nila para sa pagpapatuloy ng buhay ng tao. Hindi lamang materyal na bagay ang naihandog nila kundi pati na rin ang mga aral na naibahagi nila. Hindi basta-basta ang mga nagawa niyo kaya dapat lamang na pahalagahan ang mga kontribusyon na ito. Ang kaginhawaan ng pamumuhay ng mga tao ngayon ay dahil sa inyo. At habang nagpapatuloy ang buhay, lubos ang pagtanaw namin ng utang na loob sa inyo na nabuhay sa panahon ng dinastiya.
Lubos ang pasasalamat,
Ma. Leila Jenina M. Nuestro
No comments:
Post a Comment