Walang papantay sa galing ng mga Pilipino patungkol sa mga pag-iimbento ng mga bagay na makatutulong at makapagpapaunlad hindi lamang ng ating bansa kung hindi pati na rin ang mga mamamayang Pilipino. Kaya laking pasasalamat ko na lamang sa ating mga ninunong lumikha ng mga bagay na ginamit at ginagamit natin ngayong henerasyon dahil na din sa kaunlaran ng kabihasnan.
Kaya't narito ang isang maikling liham para sa mga taong namuhay noong sinaunang panahon. Masasabi ko na maraming salamat sa inyo sapagkat kung hindi dahil sa inyo ay hindi magkakaroon ng matiwasay at mayabong na pamumuhay ang mga tao na naninirahan sa kasalukuyang henerasyon dahil sa mga gamit na inyong nalikha at napaunlad. Nagpapasalamat rin ako sa maunlad na ekonomiya na inyong ipinamahagi sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang trabahong pang-ekonomiya. Naturuan ninyo kami kung paano gamitin ang aming karunungan at kung paano mamumuhay base sa kinaroroonan. Abot-abot ang aking ipinagpapasalamat dahil sa mga sinaunang tao ay maraming bagay ang umunlad o uunlad pa at natuklasan. Kung kaya't aking masasabi na dapat talaga nating pahalagahan at pasalamatan ang mga nagtatag at nagpayabong ng ating kabihasnan sapagkat kung wala ang mga ninuno ay wala rin tayo sa ating henerasyong kinabibilangan.
No comments:
Post a Comment