Pagpapahalaga sa mga Pamana ng Ating mga Ninuno ni Alyssa Joy Mendoza

Marami na tayong makabagong teknolohiyang nagagamit ngayon. Ngunit paano naman tayo magkakaroon ng mga kagamitang makabago kung wala naman itong pinagsimulan na isang payak o simpleng bagay? Kaya lang naman tayo mayroong makabagong mga gadget, pamamaraan ng transportasyon, mas maaayos na tirahan at iba pa, ay dahil sa mga pamanang iniwan ng ating mga ninuno sa atin. Sa kanilang panahon nagsimula ang paggamit ng mga bagay na ito nggunit sa paglipas ng panaho'y napaunlad na ito ng mga tao at hanggang sa kasalukuya'y pinapaunlad pa rin. Karapat dapat lamang na tayong mga nakatatamasa ng ginhawa dahil sa kanilang mga pamana ay matutong pahalagahan ang bawat pamanang iniwan nila o ipinamana sa atin. Madaling sabihin at isipin ngunit minsa'y mahirap gawin, hindi ba? Ngunit sa ating mga simpleng pamamaraa'y maaari nating pahalagahan ang mga bagay na ito. Katulad na lamang ng maayos na paggamit sa mga ito, patuloy na pagpapaunlad rito at napakarami pang iba.

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author