Thursday, July 31, 2014

Kultura Noon at Ngayon; Progreso ng Pag-usbong

Aubrey R. Pescasio
Journal no. 2 -Progreso ng pag usbong ng kultura noon at ngayon

                           Ang laki na nga talaga ng pagbabago ng ating kultura. Pag-unlad ng pamumuhay ng tao, hanapbuhay, produkto at ilan sa mga kagamitan na ating ginagamit sa pang araw araw na buhay. Mapapansin din natin ito dahil mabilisang proseso ng ating buhay, kung dati masasabi nating mano mano at medyo mabagal pa nga, ngayon talagang ang laki na ng pinagbago. May teknolohiya naman noon, hindi natin pwedeng sabihin na wala kasi kung wala ang mga sinaunang kagamitan o yung mga naimbento ng ating mga ninuno ay hindi tayo magkakaroon ng ideya sa mga paggawa ng bagay sa kasalukuyan. Malaki din ang naitulong ng kultura noon sa pamumuhay natin sa kasalukuyan. Kung tutuusin malaki ang naiambag nila sa ating pamumuhay ngayon. Paano na kung hindi sila nakapag imbento ng mga bagay tulad na lamang ng abaniko na ngayon ay may electrifan na tayong nagagamit, At saka ang mga mano manong gawain ngayon ay naging mabilisan na. Pati na rin sa impormasyon ngayon mas mabilis na tayong nakakasagap ng mga balita dahil nga may radyo, tv at iba pa. Sa paraan din ng komunikasyon, mabilis na nakikipag ugnayan o nakakapag usap ang mga tao. Sa kultura palang noon ay makikita na natin ang pag usbong ng aspekto ng buhay at pagdating sa panahong ngayon, lalo pang nadagdagan at mas napabilis ang aspekto ng buhay. Talagang konektado at masasabi mong may pag unlad talaga at progreso na para sa hinaharap ay lalo pang madadagdagan ang mga pag unlad na ito.

REFLECTION 2: Ang Pagunlad ng Kagamitan... JOHN CLAUDE A. BARTOLOME

          Masasabi nating tunay ngang napakaunlad na ng pamumuhay ng mga tao ngayon. Ngunit saan at paano nga ba ito nasimulan? Magpasalamat na lamang tayo sa matatalino nating mga ninuno dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ang mga kasangkapang nagagamit natin ngayon.
          Nagsimula ang pagtuklas ng mga ninuno natin sa mga kagamitan noong panahon ng Neolitiko. Sinimulan nila ito sa pag papakinis sa mga bato at paghubog sa mga ito sa mga bagay na magagamit nila tulad ng kutsilyo para sa panghati ng kanilang mga pagkain. Umunlad naman lalo ito noong panahon ng metal dahil natuklasan nila ang mga metal na may mas matibay na kombinasyon at madaling mahubog upang magawang kasangkapan. Ginamit nila ang tanso dahil ito ay matibay at madali sa hubugin sa kung anong bagay na maari nilang magamit sa pang araw-araw. Hanggang sa umunlad ito sa bakal na kung saan ay mas matibay at ginagamit sa pag gawa ng iba't ibang imprastraktura at mga bagay o kasangkapan. Hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit padin ang bagay na ito sa pag gawa ng kasangkapan.
          Dito umikot ang pag unlad ng mga bagay o kagamitan noon at ngayon...

Ang epekto ng pag unlad ng iba't ibang aspekto sa pamumuhay ng tao (Karl Adrian T. de Guzman)

Para saakin ay napakaswerte ng mga tao sa kasalukuyang panahon dahil napagka-umunlad na ng mga kagamitan. Mapapaisip ka nalang na ang mga bagay na hawak natin ngayon ay may pinang galingan at nabuo lamang dahil sa pag unlad ng iba't ibang aspekto. Una ang kasangkapan, Ang larawan na nasa ibaba ay ang mga natuklasan ng mga ninuno natin noon, ang epekto nito sa kanilang pamumuhay ay napapabilis at napapagaan ang pang araw araw nilang pamumuhay. At ngayon ang mga metal na nakuha ng mga ninuno natin ay nagagamit na sa iba't ibang paraan tulad nalamang ng mga nakikita natin na riles ng tren. Susunod naman ang kabuhayan. Para saakin ang kabuhayan noon ay mas madali kaysa ngayon dahil mas simple ang pag tratrabaho noon at kahit hindi ka nakapag aral ay makakapag trabaho kana. Natuto din sila makipag kalakalan bilang kasama narin sa kanilang kabuhayan. Dahil sa pag unlad ng ating iba't ibang aspekto ng pamumuhay, mapapagtibayin ko na napakalaki ng epekto nito sa kasalukuyang panahon kasama na dito ang pamumuhay ng mas madali at mas mabilis.

Mga Metal na natuklasan ng ating mga ninuno noon

Reflection 2: Pag-Unlad ng Pamumuhay (Raphael Mangalindan)

Noong unang panahon, nadiskubre ng mga unang tao ang apoy. Ginamit nila ito upang lutuin ang kanilang nahuhuling mga hayop. Isipin natin ang kasalukuyan. Paano tayo naghahanda ng ating kakainin. Nagluluto ang karamihan sa atin sa isang kalan. Ang kalan ay gumagamit pa rin ng apoy na pareho ng ginagamit ng ating mga ninuno. Ang ibig sabihin nito ay ginagamit pa rin natin ang mga natuklasan ng ating mga ninuno. Pinapaayos lamang natin ang paggamit at gumagawa tayo ng sari-saring teknolohiya na base sa mga iyon. Samakatuwid, ang mga natuklasan ng ating mga ninuno ang ginagamit nating batayan sa ating mga likha at pamumuhay sa kasalukuyan.

Kaunlarang sinimulan noon at ipinagpapatuloy hanggang ngayon

            Alam naman nating lahat ng mayroon tayo ngayon ay nanggaling sa ating mga ninuno. Sila ang nakatuklas ng lahat- lahat ng bagay at ang silbi natin ngayon ay pahalagahan ito, tangkilikin, at paunlarin.
         
            Marami nang pag-unlad ang nagaganap sa iba't ibang aspeto. Simulan natin ito sa kultura. Nasa isang komunidad ang grupo ng mga tao noon na siyang nagbibigay ng kanilang pangangailangan gaya ng kagamitan, pagkain, pabahay. Tinitingnan ng mga tao ang kanilang sarili bilang isang kasapi ng sangkatauhan at natural na kapaligiran. Dahil dito ay natuto silang magkaisa.  Ang mga halimbawa ng ganitong mga pangyayari ay makikita kahit saan pero ang pagkakaisa mismo ay higit pa sa mga halimbawa na ito.

          Kaya ang lenggwahe, na maagang natuklasan ng mga sinaunang tao, ay naging importante sa pagitan ng mga tao, sa kanilang komunidad at mga pwersa ng kalikasan. Ito ay nagsilbi bilang instrumento ng komunikasyon.


Sa kabuhayan naman ay nadiskubre ang pagsasaka, pangangaso, atbp pang gawain na ikabubuhay ng mga tao at kinalaunan ay pinagyaman at pinayabong pa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.



-Maria. Josephine Consuelo A. Torio-

Reflection 2: Simula ng pag unlad (Danica Sismaet)

 Ang mga kagamitan, kultura at mga tradisyon natin ngayon ay galing sa mga naibahagi ng ating mga ninuno noon sa mga henerasyon na sumunod sa kanila. Nag karoon tayo ng mga bagay na ito dahil sa pag unlad ng pamumuhay ng mga tao. Ang mga kasangkapan ay mas lalong na patibay at ang mga kabuhayan o pag kuha ng mga pag kain ay mas napadali dahil mayroon na tayong mga teknolohiya ngayon. Karaniwang kabuhayan ng mga tao noon ay ang pangangaso o ang pag huli ng mga hayop para makain pero ngayon ay nag karoon na ng mga pag tatanim, pangingisda at iba pang pang agrikulturang gawain ng mga tao.
 Umunlad din ang aspekto ng ating pamumuhay dahil kung dati ay sa loob lang inililibing ng ating mga ninuno ang kanilang mga mahal sa buhay, ngayon ay nag karoon na sila ng maayos na mapaglilibingan. Mas marami na din alam ang mga tao ngayon tungkol sa sining dahil kung dati ay sa pader o mga bato lang nag guguhit o nag susulat ang ating mga ninuno, ngayon naman ay nag karoon na ng mga papel, pangkulay at mga lapis na magagamit na pang guhit.
 Ang mga bagay na ito ay mahalaga dahil natutulungan tayo nito sa ating pamumuhay. Mas naiimpruba pa natin ang mga gamit at kultura natin ngayon dahil sa mga bagay na iniwan sa atin ng ating mga ninuno. Napadali ang ating ibang trabaho dahil sa mga ideya o konsepto na binibigay ng mga kagamitan na iniwan ng ating mga ninuno.

Maunlad na Pagtuklas (Chardilaine Aubrey C. Gloriani)

                Sa nagdaang aralin marami akong nalaman na impormasyon tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan. At dahil dito masasabi kong naging maunlad ang progreso nito. Tumingin tayo sa pag-unlad ng mga simpleng bagay. Tulad ng sandata, sa panahon ng lumang bato gumagamit lamang sila ng tapyas na bato, sa pagdaan ng panahon, natuto ang mga tao na magkinis ng bato.
                Sa ibang aspeto naman tulad ng sa pangkabuhayan, sa panahon ng lumang bato ay naghuhuli lamang ng hayop. Sa panahon ng gitnang bato, natuto silang mag-alaga ng hayop dahil sa kakulangan ng pagkain. At sa huli, nalaman nila ang konsepto ng palengke at ang barter.

                Maiiugnay ko ang mga ito sa pag-unlad ng kaalaman ng tao. Sa pagdaan ng panahon, napansin ko na una pa lang matindi na ang kuryosidad na taglay ng mga tao. Masyado silang nagtataka kung paano nagsimula ang mga bagay na nakikita natin sa ating paligid. At dahil dito mas humahanap sila ng paraan para mapaunlad ito at mapadali ang gampanin ng bawat isa.

Wala ako ngayon, Kung wala sila noon.

Ang mga bagay na nakikita natin sa ating paligid ay naging malaking impluwensiya para gamitin ng mga sinaunang tao. Lahat ng nakita nila sa kanilang paligid ay ginamit nila para makagawa ng bagay na magpapadali sa mga gawain natin sa pang araw-araw.

Umunlad ang kultura ng tao dahil dito. Sa bawat kasangkapan na kanilang nililikha, nagpapabago sa pamumuhay ng isang tao. Ang mga bagay na kanilang ginagawa ay napapaunlad pa at ang mga bagay na ito ay napapaganda pa nang napapaganda. Ang mga produktong ito ay nakatutulong sa pagpapadali ng mga gawain. Ang mga bagay ring ito ay nagiging kultura sa kadahilanang ang mga bagay na ito ay mapapasa at mapapasa pa sa mga susunod na henerasyon.

Ashley A. Bardaluza

Reflection 1: Pagpapahalaga ng mga Artifacts (Danica Sismaet)

 Maraming tao ang nag tatanong kung paano nabibigyang halaga ang mga bagay na iniwan sa atin ng ating mga ninuo. Paano nga ba ito napapangalagaan ngayon?
 Ang mga Artifacts na natagpuan noon ay pinangangalagaan ngayon. Ito ay inilalagay sa mga museo at pinag aaralan pa rin hanggang ngayon. Ang mga konsepto nito'y ginagamit para makagawa ng mga bagay na mas matibay at mas makakatulong sa atin ngayon. Pinag aaralan na rin ito ng mga mag aaral na tulad ko para malaman kung gaano ito ka importante. Ginagamit rin ito para mas ma
-iayos ang pamumuhay natin ngayon.

Kung 'di dahil sa nakaraan, walang hinaharap (Ma. Leila Jenine M. Nuestro)

                Kung anong meron tayo ngayon ay galing lahat sa mga sinaunang tao. Ang mga kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspeto ng pamumuhay noon ay nanatili pa rin sa kasalukuyan. Ang pangingisda, pagtatanim at pangangaso ay ginagawa parin ngunit kumapara noon na kamay lamang ang gamit, may mga sapat na gamit ang naimbento ngayong kasalukuyan para padaliin ang mga gawaing ito. Noon, may mga pagsamba na silang ginagawa sa kanilang mga Diyos, na kung saan ginawagawa pa rin ito hanggang ngayon. Simula sa unang sasakyan, "sleigh", kung saan kinuha ang ideya ng paggawa ng mga modernong sasakyan ngayon. Hanggang sa tirahan, kung saan mga dahon at kahoy ang gamit noon, napaunlad ngayon bilang bricks, hollowblocks at semento. Kung noon ay barter pa lamang, nagkaroon ng palengke kung saan kinuha ang sistemang ito sa sistemang kalakalan. Ilan lamang ito sa mga bagay na iniambag ng mga sinaunang tao na kung saan naging susi sa pag-unlad ng pamumuhay ngayon. Kahit may iba't-ibang paraan ng pamumuhay ang mga tao noon, ang bawat nadiskubre ay may gampanin sa pag-unlad ng madaming bagay na naging malaki ang bahagi ngayon sa kasalukuyan.

Reflection 2 ( Juan Paolo M. Pagtakhan )


Ang Pagtunlad ng Sinaunang Tao batay sa mga sangkap sa Kabuhayan at iba pang aspektong pamumuhay at kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang panahon.


Ang pag unlad ng mga tao ay isang natural na ngyayari sa buhay ng bawat tao ngayon makakaisip na lang ang ibat ibang tao kung paano pa papaunladin ang buhay ngayon. Hindi tulad dati mag iisip talaga ang mga tao kung paano sila mabubuhay hindi tulad ngayon ay pang papadali lang dahil noon ay para sa kabuhayan nila dahil pag hindi nila ito ma isip ay maaaring mamatay ang madami sa kanilang mga kasama o mga anak. Depende rin ang pag unlad ng mga tao dahil sa ibat ibang aspeto ng pamumuhay ng bawat isa dahil ang ibang lugar ay malamig at ang ia maini at ang iba ay normal na temperatura kaya meron silang ibat ibang kailangan upang mabuhay kaya ibat iba ang kailangan nilang pa unladin 

Magkakakonektado (Jemimah Gonzales)

Saan nga ba nanggaling ang mga kagamitan natin ngayon? Ang pamaypay. Ang bentilador. Ang kutsara. At iba pang mga bagay na kasalukuyang mahalaga sa atin.

Noon pa lamang ay may mga kagamitan na naimbento ang mga sinaunang tao. Kung ngayon, ang kutsara natin ay gawa sa metal o kaya naman ay sa stainless steel. Noon, ito ay gawa sa kawayan lamang. Ito ay hinuhubog sa hugis na makakatulong sa kanila sa pagkain.  Ganoon rin ang bentilador o mas kilala sa tawag na electric fan. Ito ay nagmula sa pamaypay. Kung mapapansin niyo, kung pamaypay ang gamit sa pagbibigay ginhawa ay isa o dalawang tao lamang ang makakadama ng kaligayahang ito. Nagkaroon ng ibang ideya ang mga tao na maggawa ng isang bagay na katulad ng pamaypay, ay makakapagbigay ginhawa sa atin. At doon na nagawa ang bentilador.

Sa mga bagay ngayon, masasalamin natin ang mga nakagawian o ang mga hanapbuhay ng mga tao dati. Isang halimbawa ay ang mga barya. Kung titingnan nating mabuti ang barya ay makikita natin ang mga naka lagay na tao dito. Ang mga lumang barya ay makikita natin ang mga nakagawian ng mga Pilipino dati.

Reflection 1 ( Juan Paolo M. Pagtakhan )


Paano ba natin maipapakita ang pag papahalaga sa mga ipinag kaloob sa atin ng ating mga ninuno?



Ito ay mga na hanap ng ibat ibang tao sa ibat ibang lugar ngayo ang mga bagay na ito ay wala nang saysay dahil madami na tayong mga kagamitan na mas mabilis o mas na kakatulong sa mga kailangan natin pero meron paring consepto ng mga lumang bagay ang gina gamit ng mga sina unang tao tulad ng plato walang masyadong nag bago sa plato nag iba lamang ang matiryales na ginamit sa paggawa nito at dahil sa mga bagay na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno ay na paganda natin ang mga ginawa nila tulad ng libro na modify natin ito sa pagiging computer parehas lang sila ng trabaho ngunit ang computer ay may nga bonus na pag gamit tulad ng entertainment at iba pa. Kaya mahalagang alagaan natin ito dahil ito ang mag tuturo saatin kung paano naging isang bagay ang mga nagagamit natin ngayon.




Wednesday, July 30, 2014

"Bahid ng Nakaraan" (Precious Nicole Cruz)

                    Ang ating mga ninuno ang mga simula ng simula, malaki ang naiambag nila sa kung ano mang meron tayo ngayon sa kasalukuyan, katulad ng mga kagamitan, kultura, at iba pa na nagkaroon ng pag-unlad sa pagdaan ng maraming panahon. Noong panahon ng Paleolitiko ay wala pa silang permanenteng tirahan, kung saan may maraming mapagkukunan ng pangangailangan ay dun sila titigil. Dito din nadiskubre ang apoy na pwede nilang magamit sa maraming bagay, tulad ng pagpapainit sa kanilang katawan, paggawa ng bagong kagamitan. Sumunod na panahon ay ang Neolitiko, dito sa panahon mas umunlad sila, nagkaroon na sila ng permanenteng tirahan, natutu na silang gumawa ng pang transportasyon, pati narin ang mga sandata na pwede nilang gamitin sa pangangaso. Dito din nagsimula ang barter, mga pagpapalitan ng mga gamit na wala sila at meron ang karatig na lugar.Sa pagkatuto nila sa pagtatanim, ginamit nila ang cacao bilang pambayad sa mga bilihin sa merkado
                      Pagkatapos ng panahong Neolitiko ay sumunod ang Panahon ng Metal, kung saan mas umunlad ang kanilang pamumuhay. Natuto na silang gumawa ng mga kagamitan gamit ang matitigas na b agay tulad ng Tanso, Bronse at Bakal. Ito ang naging simula ng malaking bahagi ng pag unlad sa panahon ng ating mga ninuno. Dahil sa mga nadiskubre nila ay nakagawa sila ng mga armas na mas matibay na panlaban, mga kagamitang tatagal na ginagamit nila sa pang araw-araw at mga kagamitan na mas nakapag padali ng mga gawain nila. Dito nagsimula ang kabihasnan, at nang lumaon ang panahon, gamit ang mga bagay na naiwan ng ating mga ninuno ay mas pinaunlad pa ito ng mga sumunod na panahon hanggang sa naging makabago ang panahon hanggang sa kasalukuyan. At ang mga kagamitang nakikita natin sa ating paligid ay isa sa mga bagay na inimbento ng ating mga ninuno na pinaunlad at ginawang makabago upang mas mapadali ang ating mga gawain.

Monday, July 28, 2014

Ni Ian Christian A. Hinay : Nang magising ako sa kulturang mayaman

TEMA: Ang pagunlad ng kultura ng sinaunang tao batay sa mga kasangkapan, kabuhayan at iba pang mga aspekto ng pamumuhay at sining.
  Ang mga sinauanang tao ay higit na nagtataglay ng katalinuhan na lingid sa pagkakaalam ng iba. Ano ang dahilan kung bakit ko ito nasabi? Sapagkat, kung ikaw ay mabubuhay sa panahon na wala pa ang mga kasangkapan o mga bagay na magpapadali sa buhay mo ay mapipilitan kang umisip ng mga paraan. Dito papasok ang pagiging madiskarte at maparaan ng mga sinaunang tao. Dahil mahirap para sa kanila ang isang bagay kagaya na lamang ng halimbawang naiinitan sila, maiisip nila na kumuha ng isang bagay na makapagbibigay ng hangin sa kanila upang mapatid ang sobrang init. O di kaya naman ay may mga pagkakataong masusugatan sila sa mga bato at doon ay maiisip nila na maaari itong magamit na kasangkapan. Tulad ng nabanggit ko, ang mga kasangkapan na kanilang ginagawa ay nakapagpapadali sa kanilang buhay ngunit hindi dito natatapos ang pagtuklas. Patuloy silang hahanap ng mga paraang upang mas mapaunlad ang mga kasangkapan nila. Dito nagsimula ang teknolohiya na umuusbong hanggang sa kasalukuyan. 
  Pagdating naman sa kabuhayan ay ganoon din ang ginawa nila. Dahil hindi lamang pangangaso ang ginawa nila. Sumubok din silang magtanin at mangisda na lubos nilang napakinabangan. Ang mga kabuhayan nila ay nagsangay-sangay hanggang sa lumitaw ang iba pang hanap buhay at dito rin ay umusbong na ang kalakalan na mapahanggang ngayon ay gamit pa rin natin.
  At ang panghuli ay ang sining. Kung ako ang tatanungin, sa aking palagay ay ginawa nila ang mga larawan o di kaya mga ukit ay upang ipakita ang pagkilala nila sa mga diyos nila. Maaari ding paraan ito ng pagpapakita ng mga opinyon nila. Ang tattoo ay isa ding sining na ginagawa ng mga sinaunang tao na nagpapakita ng posisyon sa tribo o lugar nila. Ang pagsusulat din ay isang napakahalagang pamana sa atin na dapat nating pagyamanin at huwag nating ipagsawalang-bahala.
  Para sa akin, ang pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang tao ay hindi ang mga teknolohiya o kasangkapan kung hindi ang mayamang kultura't tradisyon sapagkat ang mga ito ay hindi mananakaw sa atin at dito tayo nakikilala. Nasa atin na ang pasya kung ang mga kulturang ito ay ipagpapatuloy natin o tuluyan nang lilimutin. Pero ano man ang pasya natin ay pakaisipin natin ang epekto nito sa mga henerasyong susunod pa sa atin.

Ang Nakaraang Konektado sa Kasalukuyan ni Kyla V. Duquiatan




Sa lahat ng ating mga gawain sa buhay, ating mapapansin ang mga pagbabago at ang pagu-unlad ng mga karaniwang gawain natin ngayon na may kaugnayan sa nakaraan. Bakit nga ba natin kailangang pag-ibayuhin pa ang mga namana nating mga kaalaman at mga tinatawag nating mga artifacts mula sa ating mga ninuno? Paano nga ba natin ito pauunlarin pang lalo?


                  Sa mga lumipas na taon, marami na talagang mga bagong bagay tayong nagagamit. Sa tulong ng mga kaalaman ng mga naunang nilalang, unti-unting nadadagdagan o umuunlad ang mga kagamitan o kasangkapan na ito na mas nagpadali pa sa mga gawain natin. Tulad na lamang ng e-mail na mas mabilis kaysa sa panahon na kailangan pa nating sumulat at maghintay ng matagal bago ito matanggap ng taong pagbibigyan. Pati na rin ang ballpen na nagsimula muna sa mga matutulis na bato at naging mga plumang panulat. Dahil na rin sa galing at abilidad ng tao ngayon, habang tumatagal ay marami pang napapaunlad na mga bagay ang mga tao na nagpapadali sa pang-araw araw na kalagayan.

Sunday, July 27, 2014

Ang Ating Nakaraang Umuunlad (Arianne Mhae B. Garcia)

Naging malaking bahagi ng ating kulutura ang ating mga ninuno. Sila ang nakadiskubre ng mga kagamitan na unti-unting umuunlad dahil sa nagdaang mga panahon. Nagsimula ito sa panahon ng Paleolitiko. Sa panahon ng Paleolitiko, nakadiskubre ang ating mga ninuno ng mga kagamitan na pwede nilang magamit sa araw-araw na kanilang pamumuhay. Nadiskubre nila ang apoy kung saan nagagamit nila ito sa pagtaboy sa mga mababangis ng hayop sa kagubatan. Nagamit din ito sa pagluluto ng kanilang mga pagkain. Palipat-lipat pa sila ng kanilang mga tirahan dahil wala silang permanenteng tirahan. Dahil dito unti-unting umuunlad ang kanilang gamit dahil nadiskubre naman ang makikinis na bato noong panahon ng Neolitiko. Nauso din ang pangangaso at pangingisda kung saan tumaas ang antas ng kanilang agrikultura. Nagamit nila ang makikinis na bato sa pagpapatulis ng kanilang mga armas sa pagkuha ng kanilang pagkain o kaya naman paghuli sa mga isada na kanilang kakainin. Nagkaroon na rin sila ng kanilang mga permanenteng tirahan. Naging mahilig rin sila sining. Nagguguhit sila ng mga hayop sa loob ng kweba gamit ang mga bato at humuhulma sila ng mga bagay gamit lamang ang kanilang mga matutulis na kagamitan. Nagkaroon ng mga alahas at iba pang mas maunlad na armas.

Noong panahon naman ng Metal, nadiskubre na ang tanso, bronze at bakal. Dahil sa nga nadiskubre ng ating mga ninuno, ang mga kagamitan na ito ang naging basehan ng mga kagamitan natin ngayon dahil dito nanggaling ang mga kagamitan natin ngayon dahil pinauunlad lang natin ang mga kagamitan na kanilang nadiskubre noong unang panahon. Sa pagdaan ng mga henerasyon, nakakasiguro ako ng marami pang mga bagay tayong pauunlarin gamit ang mga bagay na ginamit ng ating mga ninuno nonoong unang panahon.

Kultura Noon, Ating Pagyamanin Ngayon, ni Nonilyx Jon B. Andres (Repleksyon Bilang 2)

            Hindi niyo ba napapansin ang mga bagay na ginagamit natin ngayon? Mga tradisyunal na mga gawaing ating nakagawian magpasahanggang ngayon? Kung ating papansinin, makikita ang pag-unlad ng mga bagay o artifacts na itosaZ  pang-araw araw nating buhay. Ngayo'y makabago na at talagang sibilsado na ang mga kagamtang ating nagagamit ngayon. Ngunit bakit nga ba natin kailangang paunlarin ang mga bagay na ito?
http://www.whirlpool.com/digitalassets/WRF989SDAM/Standalone_1175X1290.jpg
            Tulad na lamang ng bangang ito. Hindi lingid sa ating kaalaman, na itong bangang ito ay ginagamit ng ating mga ninuno, upang pangsalok ng tubig o para lalagyan nila ng mga pagkain. Ngayon ano na nga ba ang ginagamit natin? Siyempre, mga magaganda at modelong refrigerator. Ang mga bagay na ating minana mula sa nakaraan ay kailangan nating paunlarin, upang mapadali ang mga gawain at buhay natin. Ito ang nagagawa ng pagpapaunlad ng  kasalukuyan at lalo pa nating pauunlarin sa hinaharap.

(ian christian hinay)
Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?


     Maipapakita natin ang pag-unawa natin sa kahalagahan ng mga ito kung tayo mismo ay alam natin ang pinagmulan at gamit nito. Ngunit, hindi sapat na alam lang natin ang mga ito, dapat ay pagyamanin natin ang mga ito. Ang mga pamanang tinutukoy ko ay hindi lamang mga artifacts. Dahil ang mga bagay na ginagamit natin sa pang araw araw ay pamana din nila sa atin. Maging ang mga tradisyon at kaugalian natin ay pamana nila na dapat ay hindi natin makalimutan. Ang mga artifacts para sa akin ay mga buhay patunay lamang na ang mga pinaniniwalaang ninuno natin ay talagang namuhay at nanirahan sa daigdig. Ang pag-aalaga sa mga artifacts ay tungkulin natin dahil ito ang mga patunay ng mayaman na kaugalian ng mga tao noon. Dapat ang mga pamanang ito ay pagkaingatan natin at hindi lang ang mga artifacts dahil mas matutuwa ang mga ninuno natin kung makikita nila na taglay pa rin natin ang mga kaugaliang mas higit pa ang halaga kaysa kayamanan.

Saturday, July 26, 2014

Pag-unlad ng Kulturang Pilipino (Alyzza Joy M. Cervera)

Patuloy na umuunlad ang kultura nating mga Pilipino ngayon. Alam naman natin na lalo itong uunlad sa paglapit ng ating kinabukasan. Maraming kategorya ang umuunlad sa atin ngayon, katulad na lamang ng mga gamit natin. Pansin niyo ba ang pag-unlad ng mga kasangkapan natin? Dati'y bato lamang ang ginagamit nating panghiwa sa mga bagay na ating hihiwain. Sa pagdaan ng panahon, ang mga batong ginagamit nating panghiwa noon ay tinatawag na nating kutsilyo. Sa pagdaan na rin ng panahon, ang mga batong dating hindi ganoong kakinis ay makinis na rin ngayon. Ang iba pa ay ang pangkuha natin ng tubig. Kung dati ang pangkuha natin ng tubig ay mga banga lamang, ngayon naman ay may mga timba na maaring lagyan ng mga tubig. Hindi lamang ang kasangkapan natin ang umunlad, maging ang ating kabuhayan ay umunlad din. Noon pa man, may mga Pilipino na marunong na magsaka ngunit wala pa silangh ginagamit na motor sa pagsasaka. May teknolohiya na tayo sa mga panahong ito at ito na ang ating makakasanayan sa buhay ngunit tandaan natin na wala ito kung wala ang ating nakaraan.

Nakaraang Nagdala sa Kinabukasan! ▬Nobhym Faith Ceño-Blog #2▬

Pinakalumang Suklay
 Nagsimula ang lahat sa pagdiskubre ng ating mga ninunong homo species kung paano makagawa ng apoy. Sa pagkakatuklas nila rito, sumunod naman ang paggamit nila ng bato sa kanilang pang-araw araw, ginamit nila ito sa kanilang pangangaso at sa iba pang bagay gaya ng palamuti. Naging artistiko rin sila sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang katawan at pagguhit sa mga bato. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon naman sila ng campsite kung saan ito ang nagsisilbing kanilang tahanan. At dahil dito, nagkaroon sila ng sariling pagkakapangkat sa kanilang lipunan. Sa paglipas ng isa na namang bagong panahon, mas napaganda nila ang paggamit sa bato at natuto na rin silang magtanim, gumawa ng palayok at maghabi. Sa panahong ito ang nagkaroon na rin sila ng permanenteng tirahan sa kanilang pamayanan at hindi na sila palipat-lipat para alagaan ang kanilang pananim. Ang kanilang mga bahay sa panahong ito ay magkakadikit at ang kanilang pinto ay nasa kanilang bubong siguro upang maprotektahan sila sa mga mababangis na hayop. At ang kanilang mga namamatay na mahal sa buhay ay inililibing nila sa loob ng kanilang bahay siguro dahil ayaw nilang malayo sa kanila at nais pa nila na sila ay manatili. Nagkaroon na rin nga mga alahas na gawa sa bato, kutsilyong gawa sa bato at salamin.
Mas pinatibay na mga panlaban
Mas umunlad ang mga tao noon dahil sa pagkakatuklas nila nga tanso, ngunit hindi pa rin nila kinalimutan ang mga gamit na yari sa bato. Sumunod nilang natuklasan ay ang bronse na nakatutulong upang mas maging matigas at matibay ang kanilang mga gamit. Sumunod nilang nagawa ay ang iba't ibang armas na nakatutulong sa kanila ng sobra gaya ng espada, kutsilyo, martilyo, pana at sibat. Natuto na rin sila kung paano makipagkalakalan at pumunta sa iba't ibang lugar. Sumunod nilang natuklasan ay ang bakal na may pinakamalaking naitulong sa kanila. Sa pagkakatuklas nila ng bakal, natutunan nilang mag-panday at gumawa ng matibay na espada gawa sa bakal. Hindi nila ipinaalam kung paano nila nagagawa ang ganitong katitibay na mga bagay ngunit kalaunan ay lumaganap rin ang sikreto nila ukol dito.
Lumang Transistor Radio
Sa kasalukuyan, ang lahat ng kanilang natuklasan ay naging ideya lamang sa atin kung paano makagagawa ng mas maganda at nakatutulong na kagamitan na nagdala sa ating pag-unlad. Ang suklay na bato nila noon ay naging plastic na suklay na ngayon at mas lalo pang nililinang. Nagkaroon rin tayo ng mga radyo at telepono na nakatulong sa ating kumunikasyon. Dapat tayong magpasalamat sa ating mga ninuno dahil sa kanilang ideya at mga bagay na ipinamana sa atin at ngayon ay mas nalinang at naggamit nating mabuti para makaraos tayo sa ating pang-araw araw at para sa susunod pang henerasyon.













Friday, July 25, 2014

Kultura Noon, Nadadagdan kada Henerasyon (Ferdinand Paolo R. Vivo)

Sa panahon ngayon ang pinapahalagahan na lamang ay mga materyal na bagay gaya na lamang ng mga gadgets. Wala na silang pakialam kung saan nga ba nanggaling ang gadgets. Hindi mabubuo ang gadgets kung walang naimbento na mga bagay na maihahalintulad natin rito na nagpasalin-salin hanggang sa kasalukuyan. Marahil sila ay nakaimbento ng mga bagay na nakakaaliw sa kanila. Sa pagdaan ng panahon, lahat ng bagay ay naisasaayos para mas maging kagamit-gamit at mapapadali nito ang ating ginagawa sa pang-araw-araw na buhay. Bukod sa mga kagamitan, ang mga kaugalian rin ng tao ay nababago mula sa kultura noon hanggang sa ngayon. 
Bukod pa rito, marami ring mga bagay  ngayon ang nagsimula lamang noong makapag-imbento ang ating mga kagamitan. Isa na rito ay ang paggamit ng kutsilyo. Ayon sa mga napanuod  kong mga video, kaya nila nalaman na ito ay matalas ay dahil noong ginamit niya ito sa kanyang balat, siya ay nahiwa at dumugo ang sugat nito. Dahil roon at sa pagdaan ng panahon, natuklasan nila kung saan nga ba talaga ginagamit ang nakahihiwang bagay na iyon. Isang halimbawa pa ay ang mga kawil na ginagamit sa pangngisda. Nagsimula marahil sila sa simpleng  kahoy na manipis na tinalian ng sinulid at may pain sa mga isda. Ngayon naman, ang mga tao ay nakaimbento na ng mga metal na kawil na may hook sa dulo para naman hindi basta-basta makakawala ang isdang mahuhuli. Ang mga kaugalian rin ng tao ngayon ay may kinalaman sa pamumuhay ng mga tao rin noon. Isa na rin rito ay ang pagpapahalaga sa mga yumaong mahal sa buhay. Dahil sa kanilang pagmamahal, ang katawan ng namatay ay inililibing nila sa kanilang bahay. Marahil ang paniniwala nila ukol rito ay kahit wala na ang yumao, kasama pa rin nila ito hindi man sa pisikal ngunit sa emosyonal nilang damdamin.
Kung minsan hindi mo aakalain na ang partikular na bagay ay galing pala lamang sa isang simpleng bagay. Dahil rin ito sa pagkakatagpi-tagpi ng mga impormasyon kaya na naman makabubuo pa tayo ng bagong kaalaman at kagamitan mula sa simpleng bagay na maaaring pagsama-samahin. Sa pamamagitan ng mga impormasyon ukol sa kultura noon, mahihinuha natin lahat ng mga bagay ay ngayon ay hindi mabubuo kung wala ang partisipasyon ng mga bagay noon. Ang lahat ng bagay ay  kumplikado ngunit kung aalamin natin ang nasa likod nito, maiintindihan natin ang bagay na may kinalaman sa bagay o kaugalian  na ating tinutuklas at maaari pa nating tuklasin sa susunod pang panahon..


"Ebolusyon ng Kultura" ni Rainne Kryzel M. Herrera

"Ang Pag-unlad ng kultura ng sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay at ang kahalagahan at kaugnayan sa mga konseptong ito sa kasalukuyang panahon."


Sa paglipas ng napaka-raming panahon, nakaka-tuwang isipin na ang kulturang sinimulan mula pa noong unang panahon ay hindi pa rin nababaon sa limot. Lahat ng bagay ay pinahahalagahan-nahahawakan man o hindi.Base sa mga karanasang naranasan ng ating mga ninuno, hindi hamak na sila'y nakaka-tuklas ng mga bagay na kanilang nagagamit sa pangkasangkapan, pangkabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay na nagdudulot ng malaking tulong para sa kanila.
Sa patuloy-tuloy na pag-agos ng panahon,unti unting nagbabago ang lahat sa mundo. May mga nawawala at napapalitan.Ngunit, iba ang kulturang nagmula pa noong pinaka-unang panahon, ito'y hindi tulad ng ibang materyal na bagay na tila nasisira na dulot ng hamong naidudulot ng panahon, kahit ang isang taong katulad mo na alam mo sa sarili mong hindi ka tatagal dito-walang permanente sa mundo. Ang kulturang biyaya ng nakaraan ay patuloy na nangingibabaw ilang panahon man ang dumaan. Ito'y patuloy na umuunlad at nagbibigay kontribusyon parin sa ating pang-araw araw na pamumuhay hanggang kasalukuyang panahon. Isa sa mga halimbawa dito ay ang paraan ng pagkuha ng pagkain, kung noon, sila'y pumupunta pa sa kagubatan at nanghuhuli ng maaring kainin at gumagawa pa sila ng apoy gamit ang kahoy at iluto ang kanilang nakuhang pagkain, ngayon, sa ating panahon madali na tayong nakakakuha ng pagkain. Napaka-rami nang bilihan ng pagkain at mayroon na tayong ginagamit na mga kasangkapan upang maluto ang pagkain. Hindi na natin kailangan pang magpakahirap na gumawa ng apoy sapagkat sa panahon ngayon, teknolohiya ang pangunahing nakatutulong sa tao kung saan pinapadali ang gawain ng bawat indibidwal. Isa ring halimbawa ang paraan ng paglilibing na noong unang panahon, ang bangkay ay inilalagay sa jar at sa balkonahe o sa bakuran inililibing. Ngayon, sa ating panahon, sa kabaong na inilalagay ang katawan ng patay at may lugar na kung saan sama-samang inililibing sa iba't-ibang pwesto ang labi ng patay-sa sementeryo.Sa paggamit naman ng kasangkapan, noon wala pa silang sapat na kagamitan sapagkat sila'y tumutuklas pa lamang ng halaga ng bawat bagay gaya ng pangputol ng kung ano mang bagay gaya ng bato. Ngunit ngayon, sa modernong panahon, kitang-kita natin ang pag-unlad ng mga bagay na ginagamit noong unang panahon, mayroon nang iba't-ibang klase ng pangputol ng bagay.
Lubos nating makikita ang pagkakaiba noon at ngayon, sobrang nakatulong ang kultura ng mga sinaunang tao sa atin,kumbaga, nagawa nila ang kanilang misyon para sa mundo o sa lipunan at tayong mga kasalukuyang namumuhay, ang ating misyon ay patuloy na buhayin ang kulturang kanilang pinaghirapang gawin, pahalagahan ito at patuloy na paunlarin. Alam natin kung gaano kahalaga ang gamit nito para sa atin kung kaya't gawin natin ang ating responsibilidad upang ang kulturang inalagaan sa napaka-habang panahon ay maranasan rin ng mga taong mabubuhay sa susunod pang henerasyon.

Ang Pag-unlad dahil sa Apekto ng Pamumuhay (MARY MAURENE A. DIROY)

           Noon,ang mga sinaunang tao ay kaunti pa lamang ang kanilang kaalaman tungkol sa pamumuhay, unti unti silang nakatuklas ng iba't-ibang  mga bagay upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay, unti-unting umuusbong , umuunlad at yumayaman ang kanilang kaalaman tungkol sa pamumuhay sa paglipas ng maraming taon. Sila ay nagsimula sa isang bagay na ginagamit nila para mabuhay at ito ay masinimprove nila para magamit sa kasalukuyan, isa lamang sa halimbawa ay ang pamaypay, noon ay yari lamng ito sa mga dahon na naging abaniko, nagkaroon ng mga gawa sa kahoy at sa kasalukuyan ay nagkaroon ng elctricfan. Ang mga bagay na ito ay mahalaga na kung saan kung wala silang natuklasan noon ay wala tayong magagamit ngayon, na ang mga bagay noon ay mahalaga sapagkat mas mapapaganda at magagamit o mapapakinabangan ang mga ito sa kasalukuyan at sa susunod na mga henerasyon.
          Noong  panahon ng Paleolitiko o lumang bato, ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang tao ay pangingisda at pangangaso, noon ay umusbong din ang konsepto ng sining kung saan sila ay nahilig sa pagpipinta, gumagamit din sila nang apoy para mabuhay, ito ay ginagamit nila para makaluto ng pagkain o kaya namn ay para magpainit.Marami ang nagbago noong panahon ng Mesolitiko o middle and upper period ng paleolitiko o sa madaling salita ito ang gitnang bato.Sa panahong ito, ang mga tao ayu nakaranas ng tag-tuyot at dahil doon ay nagkaroon sila nang suliranin sa pagkain.Noong panahon ding ito, sila ay nagsimula din silang mag-alaga ng hayop, natutong gumamit nang kahoy, nagkaroon ng alitan at digmaan dahil sa teritotyo o karapatan at dito din ay nagkaroon ng unang sasakyan na kung tawagin ay ang sleigh o paragos. Mas umusbong ang panahon at sa Panahon ng Bagong bato o Neolitiko ay marami na ang nabago at ito ay mas umayos. Natuto silang magtanim at mag-ani,magsaka, gumawa ng palayok at bricks,paggawa ng alahas, nagkaroon ng permanenteng tirahan at nag-alaga ng hayop,natuto silang magpakinis ng mga mgagaspang na bato, ang hayop ang ginagamit nilang bilang transportasyon, nagkaroon ng sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto, nagkaroon ng konsepto ng palengke kung saan cacao ang pambayad nila. Makikita natin na sa bawat panahon ay marami ang pagbabago at ito ay mas umaayos, na ang mga bagay noon ay mahalaga dahil sa kasalukuyan ay magagamit natin ito sa pamamagitan ng pag-iisp ng mga ideya kung paano natin ito mas mapapayos at mas madaling pakinabangan.
          Noon ay nauso ang mga bagay na gawa sa tanso, bronse at bakal. Sa panahon ng tanso, ito ay mas matigas sa ginto, ito ang pinakamatigas at ito ay pwdeng gawing mga bagay katulad ng mga palamuti at mga sandata. Sa panahon namn ng bronse, ginagamit nila ito bilang armas, kutsilyo,palakol,pungal,martilyo,pana at sibat.Ang bronse ay gawa sa pinaghalong tanso at lata, ito ay tinatawag ding pulang lata kung saan sa panahong ito umusbong ang pakikipagkalakalan at ang konsepto ng palenke. Sa panahon namn ng bakal nagkaroon ng rebolusyong Industrial kung saan mas napadali ang produksyon ng mga produkto dahil sa makinang gawa bakal na matibay. Sa panahon ding ito naghatid ng kabihasnan mula sa sinauna,gitna hanggang sa modernong panahon.
          Makikita namn natin  na ang mga bagay na ito ay mahalaga sa kasalukuyan dahil kung wala ang mga bagay na ito ay walang mga bagay ngayon, na ang mga bagay na ito ay mapapakinabangan ngayon sa pamamagitan ng pag-ayos sa mga ito at mas pagandahin ang mga ito.

Kultura Noon: Malaking Biyaya sa Kasalukuyan

               Ang pamumuhay ng mga sinaunang tao ay mayroong malaking ambag sa kultura sa kasalukuyan kahit pa sa anong aspekto natin tingnan. Unti-unting umunlad ang kultura ng ating mga ninuno dahil sa kanilang pagiging mapagmasid, pagkamalikhain at pakikibatay sa kapaligiran. Nang dahil sa pagnanais nilang mapagaang at mapadali ang kanilang pamumuhay, sila ay umisip ng mga paraan o kagamitan na makatutulong sa kanila. Dito na nagsimula ang ibat ibang gamit tulad ng mga dagger at sibat na ginamit nila sa pangangaso upang makakuha ng kanilang makakain. Sa sistema ng paglilibing, masasabi nating  labis ang pagmamahal at pagpapahalaga nila sa isang kaanak o kapamilya sapagkat sa bakuran o balkonahe ng kanilang bahay inililibing ang pumanaw na mahal sa buhay. Naniniwala rin sila na ang mga ito ang tagapamagitan ng tao sa Bathala at dito pumapasok ang konsepto nang pag-gamit o paniniwala nila sa mga anito. Inaalayan pa nila ang mga anito bilang pasasalamat. Malaki ang kahalagahan ng mga kulturang nabanggit sa konsepto ng kasalukuyan tulad na lamang sa sining, kung dati ay sa dingding sila gumuguhit at kakaunti lamang ang kulay, ngayon ay nakaguguhit na sa iba't ibang klase ng tela at papel na nakapinta ang mga makukulay na obra. Sa pamumuhay, kung dati ay nagangaso sa kagubatan gamit ang mga sibat at dagger, ngayon ay nakabibili na lamang sa mga tindahan at palengke; madali ng makapanghiwa ng mga pagkain gamit ang mga matutulis na kutsilyo na gawa sa metal na mas matatalas. Ang pagkakaroon ng sistema ng pananim na umusbong sa panahon ng neolitiko ay isinasagawa pa rin sa kasalukuyang panahon. Sa sistema naman ng paglilibing, makikita pa rin sa kasalukuyang panahon ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga pumanaw na mahal sa buhay sapagkat sila ay inililibing sa mga maaayos na sementeryoat patuloy na inaaalaala ng mga kapamilya. Kung dati ay mga banga lamang ang libingan, ngayon ay may mga kabaong at konkretong libingan na. Isa pang halimbawa ang payong na dati ay mga malalapad at malalaking dahon lamang na unti-unting nagawan ng paraan ng tao at napaunlad. Batay sa mga halimbawa na aking nabanggit, patuloy na umuunlad ang pamumuhay ng tao sa bawat pagdaan ng panahon. Marapat nating pasalamatan ang mga sinaunang tao dahil kung hindi sila nagsimula sa payak na pamumuhay, wala tayong magiging batayan upang gumawa ng mas maganda at mas kapakipakinabang na mga kagamitan.


-Samantha Sherine Trinidad Catcalin

Pag unlad ( Amaya Beatrice P. Trinidad)

  Noong unang panahon, saka pa lamang natuklasan ng mga sinaunang tao ang apoy. Hindi lamang ang apoy kung hindi pati na din ang iba nating kasangkapan ngayon. Hindi naging madali ang pamumuhay dati. Gumamit sila ng bato para mangaso, at nangangaso sila para sa kanilang pagkain. Palipat lipat din sila noong Panahon ng Paleolitiko dahil sa klima ng lugar. Hindi naging madali ang buhay nila dati ngunit sila ay nakatuklas ng paraan upang makagawa ng kagamitan para sila ay makasurvive. Habang tumatagal ay dumadami ang naiimprove sa kanilang mga natuklasan. Tulad na laman ng bato, nung una ay iyon ang kanilang ginagamit para makagawa ng armas at palamuti ngunit noong natagpuan nila ang tanso, iyon na ang kanilang ginamit. Paunlad ng paunlad ang mga kagamitan at kabuhayan noon. Nagsimula na din silang mangalakal at gamit ang Cacao bilang pambayad. Dahil din sa iba pang metal ay nakagawa sila ng kagamitan na mas matibay at mas may magandang kalidad. Hindi sila tumigil sa pag gawa at pag iimprove sa mga kagamitan. Hanggang ngayon ay may mga kagamitan pa din tayo na iniimprove pati ang ating kabuhayan.

Wednesday, July 23, 2014

Bahid ng Nakaraan (Xander Atas :P)

     
          Kung hindi dahil sa ating mga ninuno, wala tayo ngayon. Kung hindi dahil sa ating mga ninuno, malamang ay wala tayong sining ngayon.
Kung hindi dahil sa ating mga ninuno, wala tayong mga kagamitan na nagagamit ngayon. Kung hindi dahil sa ating mga ninuno, marahil ay wala tayong linggwaheng ginagamit ngayon. Ang mga pamana ng ating mga pinuno satin ay dapat nating pahalagahan. Sa kanila nagsimula ang mga kagamitang nagagamit natin ngayon. Nagbago lamang ito at nagkaroon ng progreso buhat ng matagal na panahon at pag-unlad ng ating mga kaalaman. Mawari man lang natin kung minsan ang importansya ng mga pamana ng ating mga ninuno at ng ating mga ninuno. Sana ay balang araw, pahalagahan ng lahat ang mga gamit natin ngayon na bahid ng nakaraan.

Thursday, July 10, 2014

Mga Naiwang Pamana (Jemimah Grace A. Gonzales)




  
 


Katalinuhan, pagsabi ng po at opo, pagsusuot ng Barong at Saya. Ilan lamang yan sa mga naiwang pamana ng ating mga ninuno. Ang pinakamahalagang pamana ay ang mga artifacts na pahirapan pa bago makita. Ang mga artifacts na bihira lamang makita at ating naisasawalang bahala na.
May mga tao namang may pakielam at may mabuting kalooban na nagrereport sa mga mahahalagang artifacts. 
Dapat nating ingatan ang mga ito at pahalagahan. Dahil ang mga pamanang ito ang bumubuo sa ating bansa.

Pahalagahan ang mga pamana ng ating mga ninuno

     


               Ang mga ninuno ang pinanggagalingan ng mga bagay- bagay. Kabilang na dito ang mga pamana. Marapat lamang natin itong pahalagahan dahil alam naman nating ito'y pinakinabangan natin at nagdulot ng magandang epekto para satin.

              Mapahahalagahan lamang natin ito kung pangangalagaan, pagyayamanin, at tatangkilikin. Huwag natin itong ipasawalang- bahala dahil ang lahat ng ito ay mahalaga. Kung meron mang kaalaman tungkol sa mga pamana na ito ay maaari din natin itong ibahagi sa mga susunod pang henerasyon. Isabuhay natin ang mga pamana na ito.







-Maria Josephine Consuelo A. Torio-