Ang mga kultura na mayroon tayo ngayon ay hindi talaga sa ating henerasyon nagmula. Ito ay atin lamang pinagyayaman sa bawat sandaling lumilipas. Mayroong iisang ugat kung bakit ganito ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. Dito pinaniniwalaan ng mga siyentipiko, arkeolohista, at antopolohista kung saan nagmula ang mga tao. Base sa Theory of Evolution, tayo ay nagmula sa Austrolopheticus ang mga taong katulad natin. Sila ang pinagmulan ng mga gamit, kultura, tradisyon, at mga paniniwala na ating patuloy na pinauunlad at pinalalaganap ngayon. Sa bawat pagsubok na pinagdaraanan nila, mayroon silang mga bagong bagay at kaalaman na natutuklasan at patuloy na umuunlad sa kasalukuyan.
Napakahalagang malaman natin ito dahil sa pamamagitan nito, maaari nating i-motivate ang ating mga sarili na ipalaganap, i-preserve, at patuloy na paunlarin ang mga bagay na ibinigay nila sa atin, at ang pinakamahalaga ay ang malaman natin kung sino ba talaga ang dahilan o kanino nag-umpisa ang mga bagay na mayroon tayo ngayon. Sa pamamagitan nito, magiging aware tayo sa mga maaaring maging dahilan ng mga pagbabago, at higit sa lahat, maipagmamalaki natin ito sa buong mundo.
Sunday, August 3, 2014
Saturday, August 2, 2014
Ganoon sila Noon, Paano tayo Ngayon?
(Joana Trisha Renae L. Anastacio)
(Joana Trisha Renae L. Anastacio)
Noon, kakaunti lamang ang kaalaman at kakayahan sa paggawa ng mga tao. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na silang nakaangkop sa kanilang kapaligiran na siyang nagdulot ng kanilang panibago at kapaki-pakinabang na pagtuklas sa mga bagay na kalaunan din ay kanilang napag-yaman, napagyabong at napaganda.
Sa nagdaang panahon ng Paleolitiko o Panahon ng lumang bato, pangingisda at pangangaso ang kanilang naging pangunahing hanap-buhay. Nadiskubre din nila na ang apoy ang pwedeng paglutuan ng mga pagkain at pagmumulan ng init. Pagsapit ng Panahon ng Gitnang Bato ay nakaranas sila ng hirap, gutom at tag-tuyot. Nahirapan silang humanap ng makakain at ng hanap-buhay kaya naisip nila na mag-alaga ng hayop o tinatawag din na pagpapastol. Natutuhan din nila ang proseso ng paggawa ng mga solidong bato na tinatawag na "ceramics" kaya nakagawa sila ng kanilang mga tirahan na yari sa solidong bato na kagaya na lamang ng bricks. Nagkaroon sila ng kaalaman sa sining. Natuto silang gumawa ng mga palamuti at mga alahas. Ang konsepto ng palengke ay nabuo din sa panahong ito. Ang mga bagay na yari sa tanso, metal at mga bronze ay nauso, kagaya ng mga kutsilyo at iba pang mga kagamitang pambahay.
Lahat ng mga bagay na nagawa noon ay mahalaga magpahanggang sa ngayon, dahil kung wala ang mga ito, paano na kaya tayo?
Reflection 2: Ang Kaunlaran ng Pamumuhay ng mga Tao Mula Noon Hanggang Ngayon (Glenda Andaya)
Tunay ngang napakalaki ng kaunlaran na naganap at nagaganap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, hindi lamang tao pati na nga rin ang mga kagamitan tulad ng teknolohiya. Napapaloob rito ang mga pamamaraan ng mga tao upang mamuhay ng payapa at simple.
Noong unang panahon natuklasan ng mga Homo Sapiens ang apoy, kung saan sila ay natutong magluto ng kanilang makakain at ang malawakang paghahanap ng pagkain ay nalinang sa pamamagitan ng paghulog sa matatarik na lugar o paglalagay ng bitag para sa mga hayop at pagkain sa mga labi nito. Ang mga pagkain ay nagbibigay daan para sa pakikipagkalakal at pagtatayo ng mga pang-imbak na kagamitan.
Ngayong bagong henerasyon, ang paraan ng pagkuha ng pagkain ay napakadali lamang at napakasimple sapagkat pupunta lamang sa mga tindahan o mall upang makabili ng makakain.
Ang konklusyon ay ang pamumuhay ng mga tao noon ay mahirap at buwis-buhay para lang makakain ngunit ngayon napakadali at napakasimple lamang. Ngunit mayroon rin namang pagkakaparehas ng pamumuhay, ang pagsasaka, pangingisda, o pangangalakal at iba pang pangkabuhayan.

Friday, August 1, 2014
Kaugnayan ng Kultura, Noon at Ngayon (ni Louiela R. Lopez)
Ang kultura ng mga sinaunang tao ay umuunlad batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspeto ng pamumuhay. Ang nga ito ay may kaugnayan sa ating kultura sa kasalukuyan. Marahil noon, ang mga sinaunang tao ay nasa iisang lipunan o lugar lamang. Dahil sa kagustuhan nilang makahanap o makatuklas ng iba pang mga bagay, ang iba ay pumunta s ibang dako, ang iba sa kabila, at ang iba ay nanatili na lamang sa kanilang lugar. Doon, sila ay nakatuklas ng uba't-ibang bagay at paraan ng pamumuhay na ipinamana sa sumunod na henerasyon, na naipakalat sa iba pang mga kugar, hanggang atun nang nagging kultura sa kasalukuyan.
Regalo ng Nakaraan para sa Kasalukuyan (Reflection 1-Jesusa Antoinette Andaya)
Ang bawat na bagay na mayroon tayo ngayon sa ating panahon ay ang mga bagay na pinaunlad ng ating mga ninuno na hanggang ngayon, patuloy pa rin na pinauunlad ng ating henerasyon.
Napakahalaga ng mga ito sa atin kung kaya huwag natin tong ipagsa-walang bahala na lamang. Mapapahalagahan natin ito kung ang mga bagay na ito tulad ng payong, pamaypay, atbp., ay ating gagamitin sa ating pang-araw araw na pamumuhay at kung ito'y ating pauunlarin.
Ang mga simpleng bagay na mayroon tayo ngayon ay kailangan nating bigyang pansin dahil ang mga bagay na ito ang naging regalo ng ating nakaraan para sa ating mga tao na namumuhay ngayon sa kasalukuyan.