Sunday, September 14, 2014

Kaunlaran ng Kultura sa Iba’t Ibang Aspeto ng Pamumuhay ni Alyssandra T. Licmuan



          Pangangaso, pangingisda, pagsasaka, pagmimina at iba pa na kabuhayan nila noong unang panahon ay may layunin na para maibuhay lamang ang pamilya. Habang dumadaan ang panahon, naisipan nila itong ipangkalakal at ang cacao bilang kanilang pera. Dahil dito, nakatikim at nakaranas ang mga tao ng mga bagong produkto mula sa ibang lugar. At dahil na din sa isang sistemang nagaganap sa pangangalakal, natuto ang taong makipagkaisa sa kapwa kanayon o kalugar at maging sa iba pang panig ng mundo. Mula sa namimina at nakukuha nila sa paligid tulad na din ng bato, nakagagawa sila ng kasangkapan. Dahil sa pagkikiskis at pagmomolde ng mga ito gamit ang apoy o ang bato at makakagawa ng matulis na bagay na pwedeng gamitin sa pagkain at sa pakikipaglaban o ang sandata. Ang mga metal o bakal na namimina ay di lamang makagagawa ng matutulis na bagay kundi magagamit rin ito sa pang araw araw na buhay tulad ng palayok o kaldero. Sa tulong ng kanilang nasimulan na imbensyon, nakagagawa na tayo ngayon ng tinatawag na “non stick” fry pan at mga pang ihaw o “grill”. Mula na din sa apoy na pangunahin nilang ginamit ay naisip nila kung paano pang muli makagagawa ng apoy, dahil dyan mga bagay sa paligid ang kanilang inoobserbahan. Gumamit siula ng bato sa pamamagitan ng pagkikiskis nito sa isat isa. At ngayon naman ay tunay na napakadali ng gumawa ng apoy. Sa isang pindot mo lamang o kahit kamay lang ang gumagalaw tunay na napakadali na pagkat meron ng mga gas at uling. Mayroonh na ding gumagamit ng kuryente.
          Tunay na napakahalaga ng imbensyon ng tao noon. Kung hindi dahil sa kanila ay wala ang makabagong gamit na mas nakapagpapagaan ng buhay ng tao.


No comments:

Post a Comment