Daang Amaya II, Tanza, Cavite
Setyembre 14, 2014
Sa mga nakalipas na Emperador at Kabihasnan,
Tila nakakamangha ang lahat ng inyong nagawa. Mga maliliit
na bagay maging malalaking bagay na tunay na nagpahanga sa aming lahat. Oo
nga’t di naming naabutan ang inyong panahon ngunit dahil na din sa napakadaming
patunay, sino nga ba ang hindi maniniwala?
Lubos kong pinasasalamatan ang Kabihasnang Tsina. Napakadami
nitong kontribusyon at naimbento. Mga gamit na araw araw nating
pinakikinabangan pati ang mga lugar na hinahanap hanap ng mga mamamayan lalong
lalo na ang kultura, tradisyon at mga pamamaraan ninyo na maaaring namana o
ginagamit sa kasalukuyan. Tulad na lamang ng tinatawag na civil service examination
system, ang relihiyong Buddhism, ang mga pilosopiya ng Confucianism, ang Great
Wall of China at marami pang iba.
Gustong gusto ko rin ang kasaysayan ng Kabihasnan ng
Mesopotamia, kung saan mayroong mga iba’t ibang hari na namuno at kaakibat na
rin dito ang mga nagawa nila at paraan ng pag unlad nila. Kahanga hanga ang mga
istilo nila sa pagsakop at ang mga pinaniniwalaan nila. Tunay na malaki ang
ganap ng heograpikal na katangian ng lugar.
Dahil sa inyo, hindi lang ang mga pag unlad ng bansa ang natulungan,
kundi maging ang aming kaisipan ay naliwanagan. Di nga mapapantayan ang galing
at talino nyo na lubos naming hinahangad. Dahil sa inyo, mga iba’t ibang ideya
ang nakuha namin para sa mag masagana at isang produktibong tao. Di nga kaila na
minana naming ang mga bagay na ito
maging ang katangian na nagmula sa inyo.
Lubos na nagpapasalamat,
Alyssandra T. Licmuan
No comments:
Post a Comment