Ganoon sila Noon, Paano tayo Ngayon?
(Joana Trisha Renae L. Anastacio)
(Joana Trisha Renae L. Anastacio)
Noon, kakaunti lamang ang kaalaman at kakayahan sa paggawa ng mga tao. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na silang nakaangkop sa kanilang kapaligiran na siyang nagdulot ng kanilang panibago at kapaki-pakinabang na pagtuklas sa mga bagay na kalaunan din ay kanilang napag-yaman, napagyabong at napaganda.
Sa nagdaang panahon ng Paleolitiko o Panahon ng lumang bato, pangingisda at pangangaso ang kanilang naging pangunahing hanap-buhay. Nadiskubre din nila na ang apoy ang pwedeng paglutuan ng mga pagkain at pagmumulan ng init. Pagsapit ng Panahon ng Gitnang Bato ay nakaranas sila ng hirap, gutom at tag-tuyot. Nahirapan silang humanap ng makakain at ng hanap-buhay kaya naisip nila na mag-alaga ng hayop o tinatawag din na pagpapastol. Natutuhan din nila ang proseso ng paggawa ng mga solidong bato na tinatawag na "ceramics" kaya nakagawa sila ng kanilang mga tirahan na yari sa solidong bato na kagaya na lamang ng bricks. Nagkaroon sila ng kaalaman sa sining. Natuto silang gumawa ng mga palamuti at mga alahas. Ang konsepto ng palengke ay nabuo din sa panahong ito. Ang mga bagay na yari sa tanso, metal at mga bronze ay nauso, kagaya ng mga kutsilyo at iba pang mga kagamitang pambahay.
Lahat ng mga bagay na nagawa noon ay mahalaga magpahanggang sa ngayon, dahil kung wala ang mga ito, paano na kaya tayo?
0 comments:
Post a Comment