Paano nga ba natin pahahalagahan at bibigyang-pansin ang mga pamana ng ating mga ninuno?
Ang kasaysayan kung saan ang tungkol sa mga pamana o mga sinaunang bagay o gawain ay nakapaloob at nabibilang rito. Kabilang na rin ang mga makasaysayang kultura o tradisyon na iniwan ng ating mga ninuno. Dito rin binibigyang-pansin ang mga makahistoryang pook o lalawigan sa isang bansa.
Ang ating mga ninuno, sila ang pinagmulan ng mga bagay, tradisyon, kultura, at marami pang iba. Mapapahalagahan ang mga pamana nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga at sa pagtatangkilik sa mga ito at sa pamamagitan rin ng hindi pagsasawalang bahala upang mapanatili ang kahalagahan ng mga ito.
Wari lamang na ang lahat ay magtulungan upang mapalaganap ang kahalagahan ng bawat pamana na ipinagkaloob ng mga ninuno sa atin dahil dito nasasalamin ang pagka-Pilipino ng bawat mamamayan sa ating bansa.
0 comments:
Post a Comment