Madaming pamana ang ating mga ninuno na patuloy nating nakikita at napapag-aralan ngayon. Maaring sa ibang tao ay wala na itong halaga dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang makabagong teknolohiyang ating natatamasa. Sa aking palagay ay marami pa rin tayong hindi natutuklasang mga pamana ng ating ninuno na naghihintay lamang na ating mahanap at mapag-aralan. Ang tanong ay paano natin ito mapapangalagaaan?
Mapapangalagaan natin ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral sa mga ito. Pag-alam sa mga maaring makasira at makapagpatagal sa mga ito. Paglagay sa mga ito sa mga museo at iba pang lugar na siguadong magbibigay ng proteksyon sa mga ito. Pagbibigay ng atensyon sa mga ito.Pagbibigay halaga at respeto sa mga ito.
Kailangan natin itong pangalagaan at protektahan dahil ito ang mga ebidensya ng ating kultura sa ating nakaraan. Ito ang sumasagisag sa ating pagka-Pilipino kaya huwag nating hayaang masira ang mga ito.
ANO PO BA ANG NINUNO AT ANO RIN PO ANG KANILANG MGA PAMANA PARA PO SAATING PONG MGA TAO?
ReplyDelete