(ian christian hinay)
Paano maipapakita ang
pag-unawa sa kahalagahan ng pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?
Maipapakita natin ang pag-unawa natin sa
kahalagahan ng mga ito kung tayo mismo ay alam natin ang pinagmulan at gamit
nito. Ngunit, hindi sapat na alam lang natin ang mga ito, dapat ay pagyamanin
natin ang mga ito. Ang mga pamanang tinutukoy ko ay hindi lamang mga artifacts.
Dahil ang mga bagay na ginagamit natin sa pang araw araw ay pamana din nila sa
atin. Maging ang mga tradisyon at kaugalian natin ay pamana nila na dapat ay
hindi natin makalimutan. Ang mga artifacts para sa akin ay mga buhay patunay
lamang na ang mga pinaniniwalaang ninuno natin ay talagang namuhay at nanirahan
sa daigdig. Ang pag-aalaga sa mga artifacts ay tungkulin natin dahil ito ang
mga patunay ng mayaman na kaugalian ng mga tao noon. Dapat ang mga pamanang ito
ay pagkaingatan natin at hindi lang ang mga artifacts dahil mas matutuwa ang
mga ninuno natin kung makikita nila na taglay pa rin natin ang mga kaugaliang
mas higit pa ang halaga kaysa kayamanan.
0 comments:
Post a Comment