Pamana, Pahalagahan! (Rainne Kryzel M. Hererra)


"Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?"

                                           (c)Google 

       Lahat ng bagay ay mayroong katapusan, panahon ay lumilipas, mga tao'y namamatay. Ngunit, sa paglipas ng panahon, may mga markang naiiwan na dahilan naman upang malaman ng mga susunod pang henerasyon ang nangyari noong unang panahon. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na artifacts kung saan ang bawat parte nito ay mahalaga at masinop na pinag-aaralan sapagkat ito'y sumisimbolo sa nakaraan.
       Sa paglipas ng panahon, katulad ng ibang bagay dito sa daigdig, ito'y nagbabago at kung minsan, nasisira. Mahalagang ito'y pahalagahan ng bawat indibidwal sapagkat ito'y nagbibigay ideya para sa atin kung ano ang posibleng nangyari o kung paano ito nakatulong sa ating mga ninuno noon. Bilang isa sa mga nakaligtas na bagay dulot ng napaka-habang panahon hanggang ngayon, nararapat na ito'y pahalagahan. Sa pamamagitan ng pag-aalaga dito, maipapakita na natin ang kahalagahan ng bagay na yaon. Ang ilang pamana ay nilalagay sa mga museo at doon inaalagaan, sinusuri rin nila ang bawat detalye nito kung kaya't ang napag-aralang impormasyon ay naibabahagi sa mga taong bumibisita sa naturang museo na karamihan ay mga estudyante. Bilang isang estudyante, nararapat akong makiisa sa pagpapahalaga sa mga pamana na ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnan na nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito, may mga alam na rin akong impormasyon tungkol rito kung kaya't alam ko kung ano ang halaga nito para sa atin.
       Lahat ng bagay ay mayroong katapusan, ngunit bilang marka o simbolismo mula pa noong unang panahon, ating alagaan at pahalagahan ang pamanang ipinagkaloob sa atin upang ito'y masaksihan at makaabot pa sa mga susunod pang panahon. 


-RAINNE KRYZEL M. HERRERA
  9-OXYGEN

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author