Sa
ibang aspeto naman tulad ng sa pangkabuhayan, sa panahon ng lumang bato ay
naghuhuli lamang ng hayop. Sa panahon ng gitnang bato, natuto silang mag-alaga
ng hayop dahil sa kakulangan ng pagkain. At sa huli, nalaman nila ang konsepto
ng palengke at ang barter.
Maiiugnay
ko ang mga ito sa pag-unlad ng kaalaman ng tao. Sa pagdaan ng panahon, napansin
ko na una pa lang matindi na ang kuryosidad na taglay ng mga tao. Masyado
silang nagtataka kung paano nagsimula ang mga bagay na nakikita natin sa ating
paligid. At dahil dito mas humahanap sila ng paraan para mapaunlad ito at
mapadali ang gampanin ng bawat isa.
0 comments:
Post a Comment