Kahalagahan ng Pagpapahalaga (Samantha Sherine Catcalin)

          Bilang isang estudyante, marami akong mga bagay na maaaring gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga pamanang naiwan ng sinaunang kabihasnan. Ang mga pamanang iyon ay ang mga bakas o patunay na mayroong mga nabubuhay noong sinaunang panahon at ngayon, ito ay aking napag-aaralan sa paaralan. Maibabahagi ko ang aking kaalaman sa aking kapwa at masasabi ko rin sa kanila na marapat lamang naming pahalagahan ang mga ito dahil ito ang nagpapatunay ng nakaraan at sumasalamin sa ating kultura bilang mga pilipino pati na ang interaksyon ng tao sa kalikasan at sa kanilang pag-galaw o pag-ayon . Isa pang paraan ang paglalagay ng mga ito sa kinauukulan tulad na lang sa mga museo. Dito mapangangalagaan ang kalidad ng bagay at maipapasa pa sa mga susunod na henerasyon.
"Manunggul Jar"
Isa sa mga artifacts na nagpapatunay ng gawi o paniniwala ng mga sinaunang tao. 

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author