Pag Unlad mula sa mga Nakaraan ni Alyssandra T. Licmuan

     Teknolohiya ang nangingibabaw sa atin ngayon. Halos wala na ang mga bagay na tinatawag na artifact. Sa panahon ngayon, paano nga ba napapagyaman, napapangalagaan at napapahalagahan ang mga ito? 

     Isa sa pagpapakita ng halaga sa mga artifact o sinaunang kagamitan ay ang paglalagay ng mga ito sa mga museo na ngayon ay pinag aaralan ng mga kabataan. Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga ay ang pag aaral sa mga ito tulad ng mga ginagawa natin sa mga nakaraang baitang hanggang ngayon. 

     Dahil sa mga artifact na iyon ay nagkakaroon tayo ng ideya na pagyamanin o mas mapabuti na ngayon ay nagagamit natin tulad ng mga kaldero na noon ay palayok. Mga kasangkapan tulad ng kutsilyo kung saan ang gamit nila noon ay bato at kanya kanya ang pagpapatalas. 

     Tunay ngang napakahalaga ng mga artifact. Hindi lamang dahil sa malalaman natin ang kalagayan ng pilipino noon kundi magagamit rin natin ito sa ating pag unlad kung kaya't patunay na lamang na dapat natin itong pangalagaan.

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author