Noon,ang mga sinaunang tao ay kaunti pa lamang ang kanilang kaalaman tungkol sa pamumuhay, unti unti silang nakatuklas ng iba't-ibang mga bagay upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay, unti-unting umuusbong , umuunlad at yumayaman ang kanilang kaalaman tungkol sa pamumuhay sa paglipas ng maraming taon. Sila ay nagsimula sa isang bagay na ginagamit nila para mabuhay at ito ay masinimprove nila para magamit sa kasalukuyan, isa lamang sa halimbawa ay ang pamaypay, noon ay yari lamng ito sa mga dahon na naging abaniko, nagkaroon ng mga gawa sa kahoy at sa kasalukuyan ay nagkaroon ng elctricfan. Ang mga bagay na ito ay mahalaga na kung saan kung wala silang natuklasan noon ay wala tayong magagamit ngayon, na ang mga bagay noon ay mahalaga sapagkat mas mapapaganda at magagamit o mapapakinabangan ang mga ito sa kasalukuyan at sa susunod na mga henerasyon.
Noong panahon ng Paleolitiko o lumang bato, ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang tao ay pangingisda at pangangaso, noon ay umusbong din ang konsepto ng sining kung saan sila ay nahilig sa pagpipinta, gumagamit din sila nang apoy para mabuhay, ito ay ginagamit nila para makaluto ng pagkain o kaya namn ay para magpainit.Marami ang nagbago noong panahon ng Mesolitiko o middle and upper period ng paleolitiko o sa madaling salita ito ang gitnang bato.Sa panahong ito, ang mga tao ayu nakaranas ng tag-tuyot at dahil doon ay nagkaroon sila nang suliranin sa pagkain.Noong panahon ding ito, sila ay nagsimula din silang mag-alaga ng hayop, natutong gumamit nang kahoy, nagkaroon ng alitan at digmaan dahil sa teritotyo o karapatan at dito din ay nagkaroon ng unang sasakyan na kung tawagin ay ang sleigh o paragos. Mas umusbong ang panahon at sa Panahon ng Bagong bato o Neolitiko ay marami na ang nabago at ito ay mas umayos. Natuto silang magtanim at mag-ani,magsaka, gumawa ng palayok at bricks,paggawa ng alahas, nagkaroon ng permanenteng tirahan at nag-alaga ng hayop,natuto silang magpakinis ng mga mgagaspang na bato, ang hayop ang ginagamit nilang bilang transportasyon, nagkaroon ng sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto, nagkaroon ng konsepto ng palengke kung saan cacao ang pambayad nila. Makikita natin na sa bawat panahon ay marami ang pagbabago at ito ay mas umaayos, na ang mga bagay noon ay mahalaga dahil sa kasalukuyan ay magagamit natin ito sa pamamagitan ng pag-iisp ng mga ideya kung paano natin ito mas mapapayos at mas madaling pakinabangan.
Noon ay nauso ang mga bagay na gawa sa tanso, bronse at bakal. Sa panahon ng tanso, ito ay mas matigas sa ginto, ito ang pinakamatigas at ito ay pwdeng gawing mga bagay katulad ng mga palamuti at mga sandata. Sa panahon namn ng bronse, ginagamit nila ito bilang armas, kutsilyo,palakol,pungal,martilyo,pana at sibat.Ang bronse ay gawa sa pinaghalong tanso at lata, ito ay tinatawag ding pulang lata kung saan sa panahong ito umusbong ang pakikipagkalakalan at ang konsepto ng palenke. Sa panahon namn ng bakal nagkaroon ng rebolusyong Industrial kung saan mas napadali ang produksyon ng mga produkto dahil sa makinang gawa bakal na matibay. Sa panahon ding ito naghatid ng kabihasnan mula sa sinauna,gitna hanggang sa modernong panahon.
Makikita namn natin na ang mga bagay na ito ay mahalaga sa kasalukuyan dahil kung wala ang mga bagay na ito ay walang mga bagay ngayon, na ang mga bagay na ito ay mapapakinabangan ngayon sa pamamagitan ng pag-ayos sa mga ito at mas pagandahin ang mga ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment