Sa panahon ngayon ang pinapahalagahan na lamang ay mga materyal na bagay gaya na lamang ng mga gadgets. Wala na silang pakialam kung saan nga ba nanggaling ang gadgets. Hindi mabubuo ang gadgets kung walang naimbento na mga bagay na maihahalintulad natin rito na nagpasalin-salin hanggang sa kasalukuyan. Marahil sila ay nakaimbento ng mga bagay na nakakaaliw sa kanila. Sa pagdaan ng panahon, lahat ng bagay ay naisasaayos para mas maging kagamit-gamit at mapapadali nito ang ating ginagawa sa pang-araw-araw na buhay. Bukod sa mga kagamitan, ang mga kaugalian rin ng tao ay nababago mula sa kultura noon hanggang sa ngayon.
Bukod pa rito, marami ring mga bagay ngayon ang nagsimula lamang noong makapag-imbento ang ating mga kagamitan. Isa na rito ay ang paggamit ng kutsilyo. Ayon sa mga napanuod kong mga video, kaya nila nalaman na ito ay matalas ay dahil noong ginamit niya ito sa kanyang balat, siya ay nahiwa at dumugo ang sugat nito. Dahil roon at sa pagdaan ng panahon, natuklasan nila kung saan nga ba talaga ginagamit ang nakahihiwang bagay na iyon. Isang halimbawa pa ay ang mga kawil na ginagamit sa pangngisda. Nagsimula marahil sila sa simpleng kahoy na manipis na tinalian ng sinulid at may pain sa mga isda. Ngayon naman, ang mga tao ay nakaimbento na ng mga metal na kawil na may hook sa dulo para naman hindi basta-basta makakawala ang isdang mahuhuli. Ang mga kaugalian rin ng tao ngayon ay may kinalaman sa pamumuhay ng mga tao rin noon. Isa na rin rito ay ang pagpapahalaga sa mga yumaong mahal sa buhay. Dahil sa kanilang pagmamahal, ang katawan ng namatay ay inililibing nila sa kanilang bahay. Marahil ang paniniwala nila ukol rito ay kahit wala na ang yumao, kasama pa rin nila ito hindi man sa pisikal ngunit sa emosyonal nilang damdamin.
Kung minsan hindi mo aakalain na ang partikular na bagay ay galing pala lamang sa isang simpleng bagay. Dahil rin ito sa pagkakatagpi-tagpi ng mga impormasyon kaya na naman makabubuo pa tayo ng bagong kaalaman at kagamitan mula sa simpleng bagay na maaaring pagsama-samahin. Sa pamamagitan ng mga impormasyon ukol sa kultura noon, mahihinuha natin lahat ng mga bagay ay ngayon ay hindi mabubuo kung wala ang partisipasyon ng mga bagay noon. Ang lahat ng bagay ay kumplikado ngunit kung aalamin natin ang nasa likod nito, maiintindihan natin ang bagay na may kinalaman sa bagay o kaugalian na ating tinutuklas at maaari pa nating tuklasin sa susunod pang panahon..
0 comments:
Post a Comment