"Ang Pag-unlad ng kultura ng sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay at ang kahalagahan at kaugnayan sa mga konseptong ito sa kasalukuyang panahon."
Sa paglipas ng napaka-raming panahon, nakaka-tuwang isipin na ang kulturang sinimulan mula pa noong unang panahon ay hindi pa rin nababaon sa limot. Lahat ng bagay ay pinahahalagahan-nahahawakan man o hindi.Base sa mga karanasang naranasan ng ating mga ninuno, hindi hamak na sila'y nakaka-tuklas ng mga bagay na kanilang nagagamit sa pangkasangkapan, pangkabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay na nagdudulot ng malaking tulong para sa kanila.
Sa patuloy-tuloy na pag-agos ng panahon,unti unting nagbabago ang lahat sa mundo. May mga nawawala at napapalitan.Ngunit, iba ang kulturang nagmula pa noong pinaka-unang panahon, ito'y hindi tulad ng ibang materyal na bagay na tila nasisira na dulot ng hamong naidudulot ng panahon, kahit ang isang taong katulad mo na alam mo sa sarili mong hindi ka tatagal dito-walang permanente sa mundo. Ang kulturang biyaya ng nakaraan ay patuloy na nangingibabaw ilang panahon man ang dumaan. Ito'y patuloy na umuunlad at nagbibigay kontribusyon parin sa ating pang-araw araw na pamumuhay hanggang kasalukuyang panahon. Isa sa mga halimbawa dito ay ang paraan ng pagkuha ng pagkain, kung noon, sila'y pumupunta pa sa kagubatan at nanghuhuli ng maaring kainin at gumagawa pa sila ng apoy gamit ang kahoy at iluto ang kanilang nakuhang pagkain, ngayon, sa ating panahon madali na tayong nakakakuha ng pagkain. Napaka-rami nang bilihan ng pagkain at mayroon na tayong ginagamit na mga kasangkapan upang maluto ang pagkain. Hindi na natin kailangan pang magpakahirap na gumawa ng apoy sapagkat sa panahon ngayon, teknolohiya ang pangunahing nakatutulong sa tao kung saan pinapadali ang gawain ng bawat indibidwal. Isa ring halimbawa ang paraan ng paglilibing na noong unang panahon, ang bangkay ay inilalagay sa jar at sa balkonahe o sa bakuran inililibing. Ngayon, sa ating panahon, sa kabaong na inilalagay ang katawan ng patay at may lugar na kung saan sama-samang inililibing sa iba't-ibang pwesto ang labi ng patay-sa sementeryo.Sa paggamit naman ng kasangkapan, noon wala pa silang sapat na kagamitan sapagkat sila'y tumutuklas pa lamang ng halaga ng bawat bagay gaya ng pangputol ng kung ano mang bagay gaya ng bato. Ngunit ngayon, sa modernong panahon, kitang-kita natin ang pag-unlad ng mga bagay na ginagamit noong unang panahon, mayroon nang iba't-ibang klase ng pangputol ng bagay.
Lubos nating makikita ang pagkakaiba noon at ngayon, sobrang nakatulong ang kultura ng mga sinaunang tao sa atin,kumbaga, nagawa nila ang kanilang misyon para sa mundo o sa lipunan at tayong mga kasalukuyang namumuhay, ang ating misyon ay patuloy na buhayin ang kulturang kanilang pinaghirapang gawin, pahalagahan ito at patuloy na paunlarin. Alam natin kung gaano kahalaga ang gamit nito para sa atin kung kaya't gawin natin ang ating responsibilidad upang ang kulturang inalagaan sa napaka-habang panahon ay maranasan rin ng mga taong mabubuhay sa susunod pang henerasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment