Liham ng Pasasalamat sa mga Sinaunang Kabihasnan (Ferdinand Paolo R. Vivo)

Sa mga Sinaunang Kabihasnan,
      Sa Mesopotamia, Indus, Tsina, Ehipto, at Mesoamerica, ako ay lubusang nagpapasalamat sa mga naiambag ninyo sa kasalukuyan. Nang dahil sa inyo, nagkaroon kami ng maaayos na gamit na lalo pa naming pinauunlad para maiparamdam din namin sa inyo ang aming galak sa inyong mga ginawa. Sa dami ba naman ng problema at kaguluhan na inyong sinuong, andito kami nabubuhay para ipakita rin sa iba na kayo ang naging tulay kung ano na ang nangyayari sa mundo.
      Sa eskwelahan, ito ay itinuturo sa amin para malaman namin ang kaganapan noon na biniyayaan ang hinaharap ng mga materyal at di-materyal na bagay. Kung wala ang inyong kasipagan at katiyagaan, wala ang mga gamit ngayon na ating ginagamit upang mapadali ang mga bagay-bagay. Ano kaya ang mangyayari sa atin kung wala ang mga naimbento noon? Marahil lahat ng tao ay nakatunganga lamang at tayo ay mananatiling mangmang at walang kaalam-alam. Isa sa aking hinahangaan na naimbento noon ay ang hieroglyphics at cuneiform. Dito kasi nanggaling ang sistema ng pagsulat.
      Kulang nga ang maraming pasasalamat sa inyo sa mga naambag ninyo sa kasalukuyan. Wala na ngang hihigit sa paghanga ko sa inyo. Naliwanagan rin ako sa mga kaganapan noon sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan. Ang mga bagay ngayon ay wala kung hindi nagbuhos ng kasipagan ang mga tao sa sinaunang kabihasnan na tinatalakay na ng mga kabataan sa panahon ngayon. Dito na rin nagtatapos ang aking liham para sa inyo, Muli, SALAMAT!

Lubos na Gumagalang,
Ferdinand Paolo R. Vivo


15 comments:

  1. Puwede na para sa Assignment 😂😂

    ReplyDelete
  2. puwede po bang pa tulong liham pasasalamat po siya na ginampanan ng heograpiya at kailangan ko pong pumili nag tag iisang anyong lupa at tubig tsaka kailangan po namin itong ibahagi sa among kamag aral

    ReplyDelete
  3. Ang galing may isasagot na ko sa project maraming salamat

    ReplyDelete
  4. pwede pong magtanong...liham pasasalamat sa anyong tubig

    ReplyDelete
  5. puwede po bang pa tulong liham pasasalamat po siya na ginampanan ng heograpiya at kailangan ko pong pumili nag tag iisang anyong lupa at tubig tsaka kailangan po namin itong ibahagi sa among kamag aral

    ReplyDelete
  6. Maraming salamat sa iyong makabulohang kaalaman na iyong ibinahagi sa pamamagitan ng teknolohiya malaki itong tulong samin bilang mag aaral na bulos na nahihirapan lalong lalo na sa aming pag aaral sa pamamagitan ng online class. Ako po at lubos na gumqgalang sa into.

    ReplyDelete
  7. Salamat sa tulong Kanina pako naghahamap dito ko Lang Pala matatagpuna hayop HAHAHAHA salamat sayo labyah

    ReplyDelete
  8. Hello po..pwede po bang humingi ng tulong tungkol sa liham pasasalamat sa mga anyong lupa

    ReplyDelete
  9. Salamat ng marami sa tulong po...

    ReplyDelete
  10. Pwede po ba patulong liham pasasalamat na may tema ng pagpapasalamat at pagtangi sa mga naging ambag ng kabihasnang romano at kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyang panahon.thanks

    ReplyDelete
  11. MONHS 2021 grade 8 where you attttt!!!!!!

    ReplyDelete

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author