Salamat sa KABIHASNAN!
Wala sigurong Cavite, CALABARZON, o kahit Pilipinas sa mundong daigdig kung
hinde umunlad ang ating kabihasnan. Wala sigurong PSP, Computer o kahit Cellphone tayong nagagamit kung
hinde napagyaman at nagamit ng ating mga ninuno ang kanilang kakaibang galing
at talino sa paglikha. Masasabi kong napakalaking saya at pasasalamat ang meron
ako na mayroon tayong mga nalikhang ganito kundi ng dahil sa kabihasnan.
Kung kaya't narito ang
aking isang maikling liham na pasasalamat sa mga taong nabuhay noong sinaunang
panahon. Masasabi ko na salamat dahil kundi sa inyo ay nagkaron ng maayos at
masaganang pamumuhay ang mga tao na naninirahan sa kasalukuyan dahil sa mga
gamit na inyong nalikha at napaunlad. Dahil rin sa inyo ay natulungan ang mga
tao na mapaunlad rin ang kanilang sariling kaalaman na maibabase sa mga bagay
na inyong nagawa at napaghusayan gamit lamang ang inyong kaisipan. Aking ring
ipinagpapasalamat ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya at paraan ng
pagkakakitaan o ang ating kabuhayan tulad ng pagsasaka. Naturuan ninyo kami
kung paano gamitin ang aming karunungan at kung paano mamumuhay base sa
kinaroroonan. Dahil ang ating bansa ay nasa tabing dagat at napapalibutan ng
iba't ibang magagandang anyong tubig, itinuro ninyo samin ang pangingisda, ang
isa sa pinakapinagkukunan natin ng pagkain at pangkabuhayan. Pati na rin ang
pagsasaka, na kung saan ay nakakakuha tayo ng bigas na pangunahing produkto ng ating bansa na maiaangkat sa ibang
lugar at syempre, atin ring napagkukunan ng pagkain sa ating araw-araw na pamumuhay. Abo't abot ang aking ipinagpapasalamat dahil sa kanila ay maraming bagay ang umunlad at natuklasan. Kung kaya't aking masasabi na dapat natin talagang pahalagahan at pasalamatan ang mga nagtatag ng kabihasnan dahil kung wala sila ay wala rin tayo sa ating mundong kinatatayuan.
0 comments:
Post a Comment