Para sa mga dakilang emperador na nagtatag ng mga sumusunod na kabihasnan: Mesopotamia, Indus, China, Mesoamerica, at Egypt; nais naming magpasalamat sa mga bagay na inyong naisagawa at naisakatuparan noong sinaunang panahon na hanggang ngayon ay pinakikinabangan.
Sa Mesopotamia,
salamat sa cuneiform na nagsisilbing sistema ng pagsulat ng sumer. Sa
pagpapakilala sa talaang multiplikasyon at dibisyon, sa paraan ng
pagalkolusyon, ang pag-aaral na 60 minutos sa isang oras, at ang
pinakamatandang ulat na tungkol sa iba't ibang planeta. Sa inyo din nanggaling
ang paggamit ng gulong at ang paniniwala sa Diyos na Siya ang namimili sa
magiging pinuno ng pamahalaan. Salamat sa pagdagdag ng kontribusyon sa
larangang sining at batas.
Sa China, sa
pagpapalaganap na iba't ibang dinastiyang:
*Zou/ Chou-
naimbento ang bakal na araro, basbas ng langit
*Qin/ Ch'in-
Shi Huang Di na "unang emperador" na nagpatayo ng great wall of china
bilang proteksyon sa kalaban
*Han-
confucianism bilang isang pilosopiya, naimbento ang papel, porselana, atbp.
*Sui- umabot
ang buddhism sa china at itinayo ang grand canal
*T'ang-
woodblock printing, tinawag si Li Yuan na emperador Tai Cong.
*Song- itinatag
ni Zhao Kuangyhin, foot-binding, at neo-confucianism na binuo ni Zhuxi
*Yuan- Kublai
Khan ang nagtatag, ipinairal ng Mongol ang Confucianism
*Ming-
napalitan si kublai khan, nasakop ang china at bumalik ulit ang pamamahala sa
kanila.
Sa kabihasnang Indus naman nanggaling ang
Budismo at hinduismo, mga veda at upanishad, konsepto ng karma at
reinkarnasyon, mga pintang fresco at madami pang iba. Sa panahong vedic naman
ay ang pagtaboy ng mga Indo-Aryan sa mga dravidian patungong katimugan. Dahil
dito ay maraming mga indo-aryan ang naging magsasaka at natuto na mamuhay sa
pamayanan.
Sa Egypt ay naitalaga ang hieroglyphics at kagaya ng mesopotamia,
marami silang sinasambang Diyos.
Iilan lamang itong mga nabanggit ko sa mga
kontribusyon ng mga kabihasnan. Dapat lamang palawakin, pahalagahan, at ingatan
ang mga nasabing pamana at kontribusyon dahil ito rin naman ay may pakinabang
sa pangaraw-araw na buhay. Bagaman matagal na ang mga ito ay nararapat lamang
na mabuhay pa rin ito hanggang sa hinaharap bilang pasasalamat sa mga
nagsakripisyo para sa mga nasabing konribusyon.
-Maria.
Josephine Consuelo A. Torio
0 comments:
Post a Comment