Blk. 34 Lot 3 Phase 2
Villa Apolonia, Naic,Cavite, Philippines
Septyembre 15, 2014
Sa mga nagdaang Kabihasnan at Imperyo ng Timog-Asya,
Labis akong nagpapasalamat sa inyong mga naging kontribusyon sa kasalukuyan. Sa aming aralin sa ARALING PANLIPUNAN o AP ay aking natutuhan at nauunawaan ng mabuti ang inyong mga naging kontribusyon. Naliwanagan din ako tungkol sa ilang mga bagay. Lubos ko ring naintindihan na ang ilan sa mga kultura noon ay nananatili pa ring buhay at isinasagawa hanggang ngayon. Maging sa mga naging hanap-buhay ninyo noon,sa mga naging libangan ninyo noon, at maging sa isports ay may naiambag kayo. Malaki ang inyong naging kontribusyon sa kasalukuyan,nariyan na ang sa Imperyong Maurya na kung saan nagkaroon ng malawakang pag-unlad sa heograpiya. Maging sa panrelihiyon, ang pagsunod sa mga aral ni Buddha. Sa mga naging pinuno ng Imperyong ito na sina Chandragrupta at Ashoka, labis ang aking paghanga at pasasalamat sa inyo dahil sa inyong ipinakitang husay at galing sa pamumuno ay nagkaroon ng pagsibol ng pag-unlad. Sa Imperyong Gupta na kung saan namuno si Chandragrupta, nagkaroon ng pag-unlad sa panitikan maging sa larangan ng medisina. Nagkaroon ng mga iba't-ibang gamot at iba pang panlunas sa mga karamdaman. Maging sa larangan ng Matematika ay nanguna. Sa Imperyong Mogul na nagtatag ng kapayapaan. Nagpatayo ng mga silid-aklatan at gumawa ng mga pandigmang sandata.
Ang mga kabihasnan sa Tsina na nagtagal ng tinatayang 4,000 years at itinuturing na pinakamatagal sa lahat ng mga kabihasnang namayagpag.Nariyan ang kabihasnang Han, Q'in o Ch'in, Yuan, Zhou or Chou, Shang, Song, Sui, Xia or Hsia, Ming,T'ang,Qing o Ching. Nagpapasalamat akong lubos sa kabihasnang Han, sa kabihasnang Q'in na nagtatag at nagpatayo ng Great Wall of china, sa kabihasnang Yuan, sa kabihasnang Zhou na siyang pinagmulan ng paniniwalang Taoism, Legalism at Confucianism. Sa kabihasnang Shang na nagsimula ng pagsusulat sa mga oracle bones. Nagpapasalamat din ako sa kabihasnang Song na nagsimula ng paraan ng paglilimbag. Sa kabihasnang Sui na nanguna sa pagtatatag ng Grand Canal, sa kabihasnang Xia, Sa kabihasnang Ming, sa kabihasnang T'ang na itinuturing na dakilang dinastiya na nagpatupad ng Civil Service Examination. At sa kabihasnang Qing. Salamat na muli.
Gumagalang,
Joana Trisha Renae L. Anastacio
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment