Pangangaso, pangingisda, pagsasaka, pagmimina
at iba pa na kabuhayan nila noong unang panahon ay may layunin na para maibuhay
lamang ang pamilya. Habang dumadaan ang panahon, naisipan nila itong
ipangkalakal at ang cacao bilang kanilang pera. Dahil dito, nakatikim at
nakaranas ang mga tao ng mga bagong produkto mula sa ibang lugar. At dahil na
din sa isang sistemang nagaganap sa pangangalakal, natuto ang taong
makipagkaisa sa kapwa kanayon o kalugar at maging sa iba pang panig ng mundo.
Mula sa namimina at nakukuha nila sa paligid tulad na din ng bato, nakagagawa
sila ng kasangkapan. Dahil sa pagkikiskis at pagmomolde ng mga ito gamit ang
apoy o ang bato at makakagawa ng matulis na bagay na pwedeng gamitin sa pagkain
at sa pakikipaglaban o ang sandata. Ang mga metal o bakal na namimina ay di
lamang makagagawa ng matutulis na bagay kundi magagamit rin ito sa pang araw
araw na buhay tulad ng palayok o kaldero. Sa tulong ng kanilang nasimulan na
imbensyon, nakagagawa na tayo ngayon ng tinatawag na “non stick” fry pan at mga
pang ihaw o “grill”. Mula na din sa apoy na pangunahin nilang ginamit ay naisip
nila kung paano pang muli makagagawa ng apoy, dahil dyan mga bagay sa paligid
ang kanilang inoobserbahan. Gumamit siula ng bato sa pamamagitan ng pagkikiskis
nito sa isat isa. At ngayon naman ay tunay na napakadali ng gumawa ng apoy. Sa
isang pindot mo lamang o kahit kamay lang ang gumagalaw tunay na napakadali na
pagkat meron ng mga gas at uling. Mayroonh na ding gumagamit ng kuryente.
Tunay na napakahalaga ng imbensyon ng tao noon. Kung hindi
dahil sa kanila ay wala ang makabagong gamit na mas nakapagpapagaan ng buhay ng
tao.
0 comments:
Post a Comment