Aking Pasasalamat (Chardilaine Gloriani)


Lahat ng bagay na mayroon tayo ngayon ay nagmula pa noong unang panahon. Lahat ng mga kung tawagin nating ‘high tech’ na mga bagay ay nagsimula sa mga simpleng mga bagay na gawa ng ating mga ninuno. Halimbawa, ang dating mga bagay tulad ng bato. Dati ay ginagamit ng ating mga ninuno ang bato para panghiwa ng mga bagay. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ang bato ay naging kutsilyo.
                At dahil sa mga pagbabago at mga natutuklasan ng ating mga ninuno ako’y nagpapasalamat sa mga bagay na natatamasa at naeenjoy ko ngayon. Nagpapasalamat ako sa mga ninuno natin dahil kung wala ang kyuryosidad nila, maaring wala ang meron tayo ngayon. Nakakatuwa lang isipin ang pag-unlad ng mga bagay sa ating paligid. Ngayon ay napakamoderno na ng ating panahon. Maraming mga bagay na malaki na ang iniunlad. Salamat sa mga natuklasan ng Mesoamerica, Mesopotamia, Indus, Tsina at Ehipto. Dahil sa kanila nbagsimula ang mga nalalaman at kung anong meron tayo ngayon.

                Nawa ang mga tao ngayon ay patuloy at hindi mapago na tumuklas ng mga bagay na mas makakatulong sa ating mga tao. Ngunit sana ito’y para sa ikabubuti at hindi para sa masama.

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author