Mula sa sikat na katagang "Ang hindi lumingon sa pinagmulan ay hindi makararating sa patutunguhan". Ito ay nasasalamin sa buhay ng tao at dapat na ugaliin. Ang pagtanaw ng utang na loob sa mga nagawa ng ating mga ninuno. Mula sa mesopotamia at sa lahat ng mga dinastiya ay dapat nating ipahatid ang lubos na pagpapasalamat sa kanila. Ngunit, dahil sila ay lumipas na paano natin ito maipapakita?. Ang pagpapahalaga sa mga nagawa nila ay napakalaking paraan ng pagpapasalamat. Kaya naman ay nagpapasalamat ako sa mga ninuno nating nag-isip at tumuklas ng mga bagay na nagpapadali ngayon sa ating pamumuhay. Kung wala ang inyong mga ideya at mga imbensyon ay hindi ko lubos maisip kung paano mamumuhay. Muli ay maraming salamat sa inyo at bilang isang mag-aaral ay susubukan kong maging ehemplo at huwaran na nagpapahalaga sa mga na-iambag niyo. Sisiguraduhin ko na ang mga paghihirap niyo ay maipapasa sa susunod na henerasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment