Pasasalamat ang aking ipinararating.. (Rainne Kryzel M. Herrera)

(c)Google(Tom Riddle's Diary)




Mga minamahal na sumerian,
        Una sa lahat, ako'y nagpapasalamat sa pamana o ambag na inyong iniwan sa amin. Napakaraming pagsubok na nga ang tumitibag at napakaraming panahon na nga ang lumipas ngunit ang markang inyong iniwan ay eto, at napakahalaga sa bawat tao-Ang sistema ng pagsulat o Kuneiporme.
        Bilang isang estudyante, nakatutulong sa akin ang pagsulat sapagkat ito'y napakahalagang bahagi  sa aking pag-aaral. Syempre, magagawa ko ba itong liham ng pasasalamat kung hindi dahil sa ambag na inyong ibinigay? Talaga ngang napaka-laking tulong ang nagagawa sa bawat indibidwal ng sistema ng pagsulat. Noong mga nakalipas na panahon pa nga ay kapag mayroon kang kamag-anak na nalayo sayo ay patuloy parin ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulat. Sa modernong panahon ngayon, oo nga't hindi na uso ang pagsulat sa isa't-isa para sa komunikasyon, lumang estilo kumbaga ngunit sa teknolohiya, ang sistema ng pagsulat ay amin ring nagagamit. Hindi ko lang mailarawan sa aking isip ang mundo kung walang sulat na pumapalibot sa bawat haligi. Kaya't sagad-sagaran ang paghanga ko sa inyo.
         Sa lahat ng kabihasnang nag-ambag ng iba't-ibang marka, ang inyong iniwang marka ang aking lubos na hinahangaan. Paano na nga ba't ang mundo'y walang sistema ng pagsulat? paano na? lubos na pasasalamat ang aking ipinararating sa inyo hindi n'yo man mabasa ang sulat na ito, alam ko na kung nasaan man kayo ngayon, inyong nararamdaman ang pagtangkilik ng mga tao sa ambag na inyong iniwan. Muli, maraming salamat! 





                                                                                                                    Lubos na nagmamahal,
Rainne Kryzel M. Herrera



0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author