Saan nga ba nanggaling ang mga kagamitan natin ngayon? Ang pamaypay. Ang bentilador. Ang kutsara. At iba pang mga bagay na kasalukuyang mahalaga sa atin.
Noon pa lamang ay may mga kagamitan na naimbento ang mga sinaunang tao. Kung ngayon, ang kutsara natin ay gawa sa metal o kaya naman ay sa stainless steel. Noon, ito ay gawa sa kawayan lamang. Ito ay hinuhubog sa hugis na makakatulong sa kanila sa pagkain. Ganoon rin ang bentilador o mas kilala sa tawag na electric fan. Ito ay nagmula sa pamaypay. Kung mapapansin niyo, kung pamaypay ang gamit sa pagbibigay ginhawa ay isa o dalawang tao lamang ang makakadama ng kaligayahang ito. Nagkaroon ng ibang ideya ang mga tao na maggawa ng isang bagay na katulad ng pamaypay, ay makakapagbigay ginhawa sa atin. At doon na nagawa ang bentilador.
Sa mga bagay ngayon, masasalamin natin ang mga nakagawian o ang mga hanapbuhay ng mga tao dati. Isang halimbawa ay ang mga barya. Kung titingnan nating mabuti ang barya ay makikita natin ang mga naka lagay na tao dito. Ang mga lumang barya ay makikita natin ang mga nakagawian ng mga Pilipino dati.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment