Pamanang Kabihasnan,sa Mayamang Katangian at Kakayahan (Aubrey R. Pescasio)

                                      Reflection #1
 (Pagpapahalaga sa ating Kabihasnan;Katangian at Kakayahan)

                  Lahat tayo ay may mga tungkulin, tungkuling bilang indibidwal at isang mamamayan. Pagpapangalaga sa isang kabihasnan ay isang malaking katuturan. Hindi lang sariling kapakanan ang napapa-unlad kundi na rin ang pagbibigay halaga sa nasabing yaman. Pinagkatiwala ang kabihasnan na ito sa atin. Marapat na tangkilikin at mahalin. Maliit man yan o malaki ang katumbas para sa akin nito ay isa nating kayamanan, nagsisilbing pinagsimulan at bakas natin. Kaya hanggang sa huli pwede natin itong alalahanin at bigyang pansin. Isa sa mga paraan na aking dapat gawin ay ibahagi ko ang mga kabihasnan na ito. Pagbabahagi sa mga kulturang sumasalamin sa ating Pilipino. Pagtangkilik sa mga bakas na ito, na ang bakas na ito ay walang kapantay na katumbas para sa mga nagawa ng ating mga ninuno. Hindi ba't kay ganadang pagmasdan ng mga kabihasnan kung mailalagay ito sa isang museo? Isa pang paraan na aking hinahangad. Kahit sa simpleng pagbibigay halaga lang dito ay maipapakita ko kung gaano kayaman ang katangian ng ating mga kabihasnan. Pilipino ako! Kabihasnan ko'y ipagmamalaki ko!







                                   -Ito ay ilan lamang sa mga kabihasnan ng ating bansa at Asya-


0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author