Pamana - Claude Bartolome

Mahalaga pa ba para sa atin ang mga naiwang pamana sa atin ng ating mga ninuno?

Tunay ngang napakaraming naiwang mga pamana satin ng ating mga ninun. Ngunit may natitira pa nga bang halaga ang mga bagay na binigay o ipinamana sa atin o tinatawag nating "artifact"? Sa aking palagay ay oo. Napapahalagahan natin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pag gamit sa kanila.Nagagamit natin ito sa pang araw-araw nating pamumuhay. Katulad na lamang ng mga katutubong gumagamit ng mga banga o paso o mas kilala sa tawag na "Manunggul Jars" o kahit mga kasangkapang pangluto katulad na lamang ng kutsilyo at iba pa.. Napapahalagahan din natin ito sa pamamagitan ng pag didisplay nito sa mga museum at pagpapaexpose nito sa mga naturang exhibit.

Ang mga bagay na ito ay napapahalagahan natin lalo na tayong mga estudyante sa pamamagitan ng pag aaral natin dito. Nalalaman nating ang ilang mga detalye na nakapagpapalawak ng ating kaalaman na tulad na lamang kung saan sila nagmula at mga tradisyon o kaugalian na kanilang pinanggalingan. Talaga nga naman sobrang daming naipamana o naiwang bagay sa atin ng ating mga ninuno na dapat nating pahalagahan at pag ingatan kaya ang mga natitirang ito ay huwag na natin pang sayangin.

0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author