Saturday, September 27, 2014

Lubos na Pasasalamat ni Glenda Andaya

          Walang papantay sa galing ng mga Pilipino patungkol sa mga pag-iimbento ng mga bagay na makatutulong at makapagpapaunlad hindi lamang ng ating bansa kung hindi pati na rin ang mga mamamayang Pilipino. Kaya laking pasasalamat ko na lamang sa ating mga ninunong lumikha ng mga bagay na ginamit at ginagamit natin ngayong henerasyon dahil na din sa kaunlaran ng kabihasnan.

         Kaya't narito ang isang maikling liham para sa mga taong namuhay noong sinaunang panahon. Masasabi ko na maraming salamat sa inyo sapagkat kung hindi dahil sa inyo ay hindi magkakaroon ng matiwasay at mayabong na pamumuhay ang mga tao na naninirahan sa kasalukuyang henerasyon dahil sa mga gamit na inyong nalikha at napaunlad. Nagpapasalamat rin ako sa maunlad na ekonomiya na inyong ipinamahagi sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang trabahong pang-ekonomiya. Naturuan ninyo kami kung paano gamitin ang aming karunungan at kung paano mamumuhay base sa kinaroroonan.  Abot-abot ang aking ipinagpapasalamat dahil sa mga sinaunang tao ay maraming bagay ang umunlad o uunlad pa at natuklasan. Kung kaya't aking masasabi na dapat talaga nating pahalagahan at pasalamatan ang mga nagtatag at nagpayabong ng ating kabihasnan sapagkat kung wala ang mga ninuno ay wala rin tayo sa ating henerasyong kinabibilangan.

Sunday, September 21, 2014

Salamat sa inyong lahat

Para sa mga sinaunang kabihsnan,

                                                        Itong mensahe na ito ay para sa inyo na may malaking pag babago sa mundo di lang saakin pero sa lahat ng tao. Sa dami ng mga kabihasnang dumaan sa napakahabang panahon, umunlad ang mundo sa kasalukuyan sa maraming aspeto. Maraming salamat dahil naging aral ang mga ginawa niyo noon sa amin ngayon at nagagamit namin ito para sa kasalukuyan, Na kung wala kayo ay hindi pa namin mapapadali ang mga bagay bagay sa panahon ngayon at kami ang nag lalaban para sa kabihasnan namin. Salamat dahil nakatulong ang pananakop niyo sa pag unlad ng isang bansa sa mundo. Hindi namin makakalimutan ang mga magagandang ginawa niyo para saamin. Lalo na kami'y nag papasalamat sa mga mahuhusay at matatapang na pinuno ng bawat kabihasnan na nag silbeng imahe ng magagandang ugali ng isang tao. Maraming salamat po sa inyo.


Nagpapasalamat.
Karl


Saturday, September 20, 2014

Pasasalamat - Claude Bartolome

Salamat sa KABIHASNAN!

Wala sigurong CaviteCALABARZON, o kahit Pilipinas sa mundong daigdig kung hinde umunlad ang ating kabihasnan. Wala sigurong PSP, Computer o kahit Cellphone tayong nagagamit kung hinde napagyaman at nagamit ng ating mga ninuno ang kanilang kakaibang galing at talino sa paglikha. Masasabi kong napakalaking saya at pasasalamat ang meron ako na mayroon tayong mga nalikhang ganito kundi ng dahil sa kabihasnan. 

Kung kaya't narito ang aking isang maikling liham na pasasalamat sa mga taong nabuhay noong sinaunang panahon. Masasabi ko na salamat dahil kundi sa inyo ay nagkaron ng maayos at masaganang pamumuhay ang mga tao na naninirahan sa kasalukuyan dahil sa mga gamit na inyong nalikha at napaunlad. Dahil rin sa inyo ay natulungan ang mga tao na mapaunlad rin ang kanilang sariling kaalaman na maibabase sa mga bagay na inyong nagawa at napaghusayan gamit lamang ang inyong kaisipan. Aking ring ipinagpapasalamat ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya at paraan ng pagkakakitaan o ang ating kabuhayan tulad ng pagsasaka. Naturuan ninyo kami kung paano gamitin ang aming karunungan at kung paano mamumuhay base sa kinaroroonan. Dahil ang ating bansa ay nasa tabing dagat at napapalibutan ng iba't ibang magagandang anyong tubig, itinuro ninyo samin ang pangingisda, ang isa sa pinakapinagkukunan natin ng pagkain at pangkabuhayan. Pati na rin ang pagsasaka, na kung saan ay nakakakuha tayo ng bigas na pangunahing produkto ng ating bansa na maiaangkat sa ibang lugar at syempre, atin ring napagkukunan ng pagkain sa ating araw-araw na pamumuhay. Abo't abot ang aking ipinagpapasalamat dahil sa kanila ay maraming bagay ang umunlad at natuklasan. Kung kaya't aking masasabi na dapat natin talagang pahalagahan at pasalamatan ang mga nagtatag ng kabihasnan dahil kung wala sila ay wala rin tayo sa ating mundong kinatatayuan. 

Thursday, September 18, 2014

Liham Pasasalamat ni Aubrey R. Pescasio BLOG #3


Sa mga kagalang galang ng emperador,


                                                              Tila nga napakalaki ng inyong naimbag sa pamumuhay ng tao. Napakarami niyo ng nagawa at naipaglaban. Ngayon ay patuloy pa rin itong nagagamit at lalong pinagpapatuloy. Isa ako sa mga taong nasaksihan ang inyong naiambag sa antas ng pamumuhay ng mga tao.

                                                               Sa iba't ibang kabihasnan makikita ang inyong mga pagsisikap upang maitaguyod ang kapakanan at nararapat sa inyong nasasakupan. Ang sistema ng pagsulat sa Mesopotamia kung saan nababahagi din ang larangan ng sining at sa paniniwalang ang Diyos ang namimili ng namumuno. Sa bansang China, ang iba't ibang dinastiya maraming napagdaanan, maraming pakikipaglaban pero napakalaki ng naiambag niyo antas ng pamumuhay, pagpapagawa ng isang kahanga hangang "Great Wall of China". At sa Egypt naman ay ang di matawarang kagandahan ng hieroglypics. Ito ay ilan lamang sa inyong nagawa, walang hanggang pasasalamat ang nais kong iparating sa inyo.

                                                               Dumadaaan ang araw ay patuloy kong iisipin ang kahalagahan ng inyong nai-ambag. Ang mga sakripisyo upang mapangalagaan at makamtam ang isang maunlad at masaganang pamumuhay. Mga kontribusyon niyong di mapapantayan ng isang pasasalamat lamang. Pero ang simpleng magagawa ko lamang ay ibahagi sa buong mundo ang inyong ginawa upang ito ay mapagpatuloy namin at maging sentro ng isang magandang pamamalakad at pamumuhay ng isang bansa.

                                                               Maraming maraming salamat mga emperador! Ako isang mapalad na tao na nakasaksi sa mga kontribusyon niyo sa kabihasnan.



                                                                                                                         Lubos na gumagalang at                                                                                                                           nagpapasalamat,
                                                                                                                          Aubrey R. Pescasio

Maraming Maraming Salamat (Liham ni Gonzales)



Mga sinaunang tao na nasa iba't ibang lugar sa mundo,


                          Lubos kaming nagpapasalamat sa mga naiwan ninyong pamana sa amin. Maraming salamat sa mga bagay na produkto ng inyong katalinuhan. Salamat sa mga bagay na ngayon ay malaki ang naitutulong sa amin.

                         Salamat sa mga kabihasnan na Sumer, Assyria, Mesopotamia, Persia, at Indus. Dahil sa mga kabihasnan na ito ay mas naging madali ang pamumuhay nating lahat. Kung wala ang mga Assyrians ay hindi natin malalaman na maaari na pala tayong maging organisado sa libro sa pamamagitan ng paggawa ng mga silid aklatan. Mabuti na lang rin at naisipan ang paggawa ng sariling paraan ng pagsulat at mas nakakaintindihan na tayo. At dahil rin sa mga kabihasnang ito ay nagkaroon tayo ng karapatan na pumili kung ano ang paniniwalaan dahil sa mga relihiyon na kanilang naisip. 

                        Malaki ang pasasalamat ko sa mga nanakop sa Tsina at sa iba't ibang dinastiya na nanakop sa Tsina. Dahil sa mga ito ay nakagawa sila ng bagay na hindi lang makakapagbigay ng proteksyon sa kanila. Dahil ang 'Great Wall Of China' na ginamit lamang nila bilang proteksyon mula sa mga kaaway, ay naging parte na ng 'Seven Wonders of the World'. Aminin ko man na mahirap ang asignaturang Matematika ay may naitulong naman ito sa pang-araw araw na gawain ko. Salamat sa Imperyong Gupta na nakaimbento ng Matematika at lahat ng bagay ay naging patas na. 

Lubos na nagpapasalamat,
Jemimah Grace A. Gonzales

Mga Dinastiya sa Tsina

Liham ng Pasasalamat (Arianne Mhae B. Garcia)

Sa Sinaunang Kabishanan,

          Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na inyong naiimbag. Mahalaga pa rin ang mga bagay na inyong iniwan. Nagagamit namin ito sa pangaraw-araw na buhay namin. Nagkaroon ng maayos na pamumuhay dahil sa mga gamit na inyong naiimbag. Kami ay lubos na nagagalak dahil nagagamit namin ng maayos ang inyong mga naibahagi at hinayaan niyo kaming gamitin ito. Nang dahil sa inyo, patuloy na umuunlad ang aming kagamitan at umuunlad din ang pamumuhay ng mga tao sa mundo.

          Sa aming paaralan, tinuturo ng guro sa amin ang mga kabihasnan na inyong nailimbag. Alam niyo ba kung gaano kame kagalak na nang dahil kayo ay masipag at matiyaga, may mga gamit kaming nagagamit sa pangaraw-araw? Napapadali niyo ang aming pangaraw-araw na buhay. Ano kaya ang kahihinatnan namin ngayon kung hindi kayo nakaimbento ng mga bagay na ginagamit namin ngayon? Siguro kami rin ay masipag at matiyaga hanggang ngayon dahil kami rin ay gagawa ng paraan para kami ay mabuhay.

          Higit akong nagpapasalamat sa inyo. Maaring kulang pa ang aking pasasalamat ngunit ako at ng iba pang mga tao ay higit na humahanga sa inyo. Nalaman ko ang mga pinaggalingan ng mga bagay na ginagamit ko ngayon. Dito na nagtatapos ang aking liham. Maraming Salamat ulit!

                                                                                                                           Lubos na Gumagalang,
                                                                                                                          Arianne Mhae B. Garcia

Karapat-dapat na pasalamatan

Sa mga sinaunang tao sa panahon ng dinastiya,


              Tila nga sa dami ng inyong mga kontribusyon ay di na ito mabilang-bilang. Malaki ang naging papel ng mga kontribusyon na ito sa buhay ng maraming tao. Masasabi ko na kung wala ang mga dinastiya noon na nagbigay ng mga ito, mahihirapan mamuhay ang mga tao ngayon. Nang dahil din sa inyo, nagkaroon ng sapat na kaalaman sa pamumuhay at pag-uugali ang mga taga-Asya dahil sa kultura na pinamana ninyo. Ang mga kaugalian o paraan ng pamumuhay na ito ay pinagpasa-pasa ng mga tao sa mga lumipas na panahon upang maibahagi ito sa mga mamumuhay na mga tao ngayong kasalukuyan. Dahil na rin sa paglipas ng panahon, ang mga kontribusyon na ito ay mas napaunlad.
               Ilan sa mga Dinastiyang nagbigay ng mga importanteng kontribusyo na ito ay ang Dinastiyang Hsia. Natutunan natin ang pagtataboy ng baha. Sa Shang naman ay ang paggawa ng mga kagamitan gamit ang bronse, paglikha ng banga at palayok at ang pagbabasa ng "oracle bone" upang makita ang hinaharap. Isa rin sa importanteng kontribusayon ng dinastiyang ito ay ang Lunar calendar. At sa dinastiyang Chou ay natutunan natin ang pag-aararo at paggawa ng sandata yari sa bakal. Ilan lamang ang mga ito sa kamangha-manghang kontribusyon ng mga dinastiya. Hindi sapat ang simpleng pasasalamat dahil sa mga nagawa nila para sa pagpapatuloy ng buhay ng tao. Hindi lamang materyal na bagay ang naihandog nila kundi pati na rin ang mga aral na naibahagi nila. Hindi basta-basta ang mga nagawa niyo kaya dapat lamang na pahalagahan ang mga kontribusyon na ito. Ang kaginhawaan ng pamumuhay ng mga tao ngayon ay dahil sa inyo. At habang nagpapatuloy ang buhay, lubos ang pagtanaw namin ng utang na loob sa inyo na nabuhay sa panahon ng dinastiya.


Lubos ang pasasalamat,
Ma. Leila Jenina M. Nuestro

(Gloriani) Pagpapasalamat

Marami sa mga bagay na kilala at napapakinabangan na nanggaling sa mga sinaunang kabihasnan. Ito ang topic na tinatalakay namin ngayon sa A.P 9. At dahil sa mga nalaman ko, nagpapasalamat ako sa kanila. Sa mga sinaunang kabihasnan, Ako ay nagpapasalamat sa mga natuklasan, naggawa at kontribusyon na nangyari sa mga nagdaang panahon. Ngayon ay namangha ako sa mga nalaman ko tungkol sa mga nangyari dati. Nakakatuwa din ang koneksyon ng mga bagay sa isa't isa. Naisip ko rin na kung hindi nangyari ang mga bagay na nangyari noon, ano kaya ang pinag-aaralan namin ngayon. Marami naitulong di lang sa kasaysayan kundi pati na saaming mga estudyante. Lubos na nagpapasalamat, Chardilaine Gloriani

Liham Pasasalamat

Sa aming mga ninuno,

                        Para sa mga pinaka mamahal naming mga ninuno, mula noong unang panahon, kami po ay lubos at taos pusong nagpapasalamat sa lahat lahat ng naiambag nyo, na nagpaunlad at nag payabong sa kultura at sistema ng bawat lugar sa buong mundo sa panahong ito, napakalaki ng naiambag nyo sa para sa lahat. At lubos namin itong pinagpasasalamat.

                        Mula sa Kabihasnan ng mesopotamia, Indus, China, Egypt at Meso america, na maraming naiambag. Mga maliliit o malalaking bagay na mula noon ay napakinabangan at napaunlad, at hanggang sa kasalukuyan ay lubos parin nakatutulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Maging ang pagsalin salin ng mga imperyo at dinastiya, na nag bigay daan, upang mas mapaunlad ang kultura at tradisyon noon at ngayon.

                       Tunay na kahanga hanga ang mga ipinamalas na katapangan. galing at talino sa pag paghawak at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at bawat dinastiya noon. Nararapat lang na bigyan kayo ng malaking pasasalamat.

                        Malaki talaga ang naitulong nyo sa lahat, at patuloy parin ito sa mga susunod pang henerasyon. Muli ay maraming salamat.


Lubos na nagpapasalamat,
Precious Nicole Cruz                                                                                                                

Wednesday, September 17, 2014

Liham ng pasasalamat sa mga ninunong nagtatag ng mga kabihasnan



                   
                      Para sa mga dakilang emperador na nagtatag ng mga sumusunod na kabihasnan: Mesopotamia, Indus, China, Mesoamerica, at Egypt; nais naming magpasalamat sa mga bagay na inyong naisagawa at naisakatuparan noong sinaunang panahon na hanggang ngayon ay pinakikinabangan. 

                      Sa Mesopotamia, salamat sa cuneiform  na nagsisilbing sistema ng pagsulat ng sumer. Sa pagpapakilala sa talaang multiplikasyon at dibisyon, sa paraan ng pagalkolusyon, ang pag-aaral na 60 minutos sa isang oras, at ang pinakamatandang ulat na tungkol sa iba't ibang planeta. Sa inyo din nanggaling ang paggamit ng gulong at ang paniniwala sa Diyos na Siya ang namimili sa magiging pinuno ng pamahalaan. Salamat sa pagdagdag ng kontribusyon sa larangang sining at batas. 

                   Sa China, sa pagpapalaganap na iba't ibang dinastiyang: 
*Zou/ Chou- naimbento ang bakal na araro, basbas ng langit
*Qin/ Ch'in- Shi Huang Di na "unang emperador" na nagpatayo ng great wall of china bilang proteksyon sa kalaban
*Han- confucianism bilang isang pilosopiya, naimbento ang papel, porselana, atbp.
*Sui- umabot ang buddhism sa china at itinayo ang grand canal
*T'ang- woodblock printing, tinawag si Li Yuan na emperador Tai Cong.
*Song- itinatag ni Zhao Kuangyhin, foot-binding, at neo-confucianism na binuo ni Zhuxi
*Yuan- Kublai Khan ang nagtatag, ipinairal ng Mongol ang Confucianism
*Ming- napalitan si kublai khan, nasakop ang china at bumalik ulit ang pamamahala sa kanila. 

      Sa kabihasnang Indus naman nanggaling ang Budismo at hinduismo, mga veda at upanishad, konsepto ng karma at reinkarnasyon, mga pintang fresco at madami pang iba. Sa panahong vedic naman ay ang pagtaboy ng mga Indo-Aryan sa mga dravidian patungong katimugan. Dahil dito ay maraming mga indo-aryan ang naging magsasaka at natuto na mamuhay sa pamayanan.

          Sa Egypt ay naitalaga ang hieroglyphics at kagaya ng mesopotamia, marami silang sinasambang Diyos. 

             Iilan lamang itong mga nabanggit ko sa mga kontribusyon ng mga kabihasnan. Dapat lamang palawakin, pahalagahan, at ingatan ang mga nasabing pamana at kontribusyon dahil ito rin naman ay may pakinabang sa pangaraw-araw na buhay. Bagaman matagal na ang mga ito ay nararapat lamang na mabuhay pa rin ito hanggang sa hinaharap bilang pasasalamat sa mga nagsakripisyo para sa mga nasabing konribusyon.

-Maria. Josephine Consuelo A. Torio

Tuesday, September 16, 2014

Salamat... ni Amaya Beatrice P. Trinidad

Mga sinaunang tao mula sa ibat ibang part ng mundo,
                          Kami ay nagpapasalamat sa mga naiwan niyong bakas at mga naiwan niyong pamana. Kami ay tunay na namangha sa inyong kagalingan at sa inyong katatagan. Sa tingin namin ay wala kaming ganitong mga bagay at mga lugar kung wala kayo. Wala kaming mga paniniwala kung wala kayo. Mahigit na pinapahalagahan namin ang inyong mga nagawa dito sa mundo.
                         Kung wala ang mga Assyrians wala tayong silid aklatan ngayon. Kung wala din ang kabihasnang Sumer, hindi magsisimula ang sistemang pagsulat. Ito ay napakikinabangan natin ngayon. Mga pinunong nagtatag ng mga kabihasnan at naiwan ngayon at naging estado tulad ng Persia, Mesopotamia, Indus. Natuklasan ang iba't ibang relihiyon tulad ng Buddhism, at Hinduism na relihiyon din ng karamihan ngayon, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na din sa iba't ibang panig ng mundo.
                        Malaking pasasalamat sa Dinastiya ng China at nagdulot ito maraming biyaya o maraming bakas. Ang Great Wall of China na dati ay para lamang sa proteksyon sa digmaan ng mga nomadiko na ngayon ay nagsisilbing 7 Wonders of the world. Sa kanila din natin namana ang Calligraphy, na galing sa Dinastiyang Shang. Napamana din sa atin ang iba't ibang paniniwala tulad ng Confucianism, Taoism mula sa Dinastiyang Zhou. Dahil din sa Dinastiyang Chin ay nag simula ang pagagawa ng mga kalsada. Buti na lamang ay naisip nila iyon dati na ngayon ay napapakinabangan natin sa pag -alis o paglalakbay. Dahil naman sa Dinastiyang Han ay may nagagamit tayong pang drawing, kung saan tayo sumusulat, laking pasasalamat sa kanila dahil naimbento nila ang papel na ngayon ay malaking tulong sa mga mag aaral at sa mga nag ttrabaho.
                     Dahil naman sa Imperyong Gupta ay umunlad ang pag aaral ng matemitika, kaya pala tayo naghihirap ngayon, joke. Pati na din ang pag susurgery. napakalaking tulong nito sa mga may sakit ngayon a sa mga gustong kumuha ng course na medicine.

Tunay na kamangha mangha ang mga nagawa nila at naiwan nila para sa atin. Ako ay lubos na nagpapasalamat!


-Amaya Beatrice P. Trinidad

Wala Wala Wala ni Ashley Bardaluza

Sa mga emperador ng mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, Indus, Tsina, Egypt at Mesoamerica,

Ako'y lubos na nagpapasalamat sa bawat amnbag na inyong naibugay. Kahit na isa lamang itong simpleng bagay para sa inyo at maging sa iba, ito ay naging malaking tulng sa pananatiling buhay sa pangkasalukuyang panahon.

Sa tingin ko wala kami ngayon kung hindi kayo nabuhay noong sinaunang panahon. HIndi kami magiging buo kung walang mga taong tumulong sa amin na patuloy na mabuhay. Kung sa pagkain nga kung kulang ng isang rekado, hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.

Naging magandang impluwensiya din ang inyong pag-uugali. Magagandang pag-uuglai na tumutulong na maging maunlad kayo sa inyong pamnumuhay. Mayroon din kayong matalinong pag-iisip na tumutulong sa inyo na mag-isip ng magagandang stratehiya at mga plano.

Kayo ay mga magagaling na tao na dapat na hangaan. Halos nasa inyo na ang lahat na nmahihiling ng isang ordinaryong tao. Mga katangiang tumulong sa inyo na maging maunlad.

Kaya lubos ko kayong pinasasalamatan sa inyong nagawang maganda para sa amin. Muli, wala kami kung wala kayo.

Lubos na nagpapasalamat,
Ashley Bardaluza

Sunday, September 14, 2014

LIHAM PASASALAMAT SA 5 KABIHASNAN NI ALYSSANDRA T. LICMUAN

Daang Amaya II, Tanza, Cavite
Setyembre 14, 2014

Sa mga nakalipas na Emperador at Kabihasnan,

Tila nakakamangha ang lahat ng inyong nagawa. Mga maliliit na bagay maging malalaking bagay na tunay na nagpahanga sa aming lahat. Oo nga’t di naming naabutan ang inyong panahon ngunit dahil na din sa napakadaming patunay, sino nga ba ang hindi maniniwala?

Lubos kong pinasasalamatan ang Kabihasnang Tsina. Napakadami nitong kontribusyon at naimbento. Mga gamit na araw araw nating pinakikinabangan pati ang mga lugar na hinahanap hanap ng mga mamamayan lalong lalo na ang kultura, tradisyon at mga pamamaraan ninyo na maaaring namana o ginagamit sa kasalukuyan. Tulad na lamang ng tinatawag na civil service examination system, ang relihiyong Buddhism, ang mga pilosopiya ng Confucianism, ang Great Wall of China at marami pang iba.

Gustong gusto ko rin ang kasaysayan ng Kabihasnan ng Mesopotamia, kung saan mayroong mga iba’t ibang hari na namuno at kaakibat na rin dito ang mga nagawa nila at paraan ng pag unlad nila. Kahanga hanga ang mga istilo nila sa pagsakop at ang mga pinaniniwalaan nila. Tunay na malaki ang ganap ng heograpikal na katangian ng lugar.

Dahil sa inyo, hindi lang ang mga pag unlad ng bansa ang natulungan, kundi maging ang aming kaisipan ay naliwanagan. Di nga mapapantayan ang galing at talino nyo na lubos naming hinahangad. Dahil sa inyo, mga iba’t ibang ideya ang nakuha namin para sa mag masagana at isang produktibong tao. Di nga kaila na minana naming ang mga bagay na ito maging ang katangian na nagmula sa inyo.

Lubos na nagpapasalamat,
Alyssandra T. Licmuan

Kaunlaran ng Kultura sa Iba’t Ibang Aspeto ng Pamumuhay ni Alyssandra T. Licmuan



          Pangangaso, pangingisda, pagsasaka, pagmimina at iba pa na kabuhayan nila noong unang panahon ay may layunin na para maibuhay lamang ang pamilya. Habang dumadaan ang panahon, naisipan nila itong ipangkalakal at ang cacao bilang kanilang pera. Dahil dito, nakatikim at nakaranas ang mga tao ng mga bagong produkto mula sa ibang lugar. At dahil na din sa isang sistemang nagaganap sa pangangalakal, natuto ang taong makipagkaisa sa kapwa kanayon o kalugar at maging sa iba pang panig ng mundo. Mula sa namimina at nakukuha nila sa paligid tulad na din ng bato, nakagagawa sila ng kasangkapan. Dahil sa pagkikiskis at pagmomolde ng mga ito gamit ang apoy o ang bato at makakagawa ng matulis na bagay na pwedeng gamitin sa pagkain at sa pakikipaglaban o ang sandata. Ang mga metal o bakal na namimina ay di lamang makagagawa ng matutulis na bagay kundi magagamit rin ito sa pang araw araw na buhay tulad ng palayok o kaldero. Sa tulong ng kanilang nasimulan na imbensyon, nakagagawa na tayo ngayon ng tinatawag na “non stick” fry pan at mga pang ihaw o “grill”. Mula na din sa apoy na pangunahin nilang ginamit ay naisip nila kung paano pang muli makagagawa ng apoy, dahil dyan mga bagay sa paligid ang kanilang inoobserbahan. Gumamit siula ng bato sa pamamagitan ng pagkikiskis nito sa isat isa. At ngayon naman ay tunay na napakadali ng gumawa ng apoy. Sa isang pindot mo lamang o kahit kamay lang ang gumagalaw tunay na napakadali na pagkat meron ng mga gas at uling. Mayroonh na ding gumagamit ng kuryente.
          Tunay na napakahalaga ng imbensyon ng tao noon. Kung hindi dahil sa kanila ay wala ang makabagong gamit na mas nakapagpapagaan ng buhay ng tao.


Saturday, September 13, 2014

Ang aking paghanga sa 5 Kabihasnan (Kyla Duquiatan)


Para sa Limang Kabihasnan,






Matagal na rin mula ng magsimula ang lahat ng bagay, ng mga panahong may mga naging dokumento na rin na makapagsasabi kung saan nanggaling ang iba’t ibang mga gawain, at bagay na hanggang sa ngayon ay ating ginagamit. Kahit na may mga pagkakataong naiisip natin na pinahirapan lamang tayo ng mga nakadiskubre nito, hindi pa rin mawawala sa atin ang katuwaan. Ako ay may sulat na ilalaan sa kanuila upang ipakita ang aking taos pusong pasasalamat sa mga naiambag nilang kaalaman. Sa mga matatalinong tao na luminang sa mga kaalaman, Ako ay nagpapasalamat sa kabutihang hatid ninyo. Kung hindi dahil sa inyo ay may mga bagay ngayong hindi nagagagamit at mga pamamaraang maaaring magpadali sa aming mga gawain. Totoong malaking handog sa amin ang mga nagawa ninyo. Ang ilan man sa mga ginawa niyo ay hindi gaanong madali naming magawa, alam namin na ito ay malaki pa rin ang magiging kapakinabangan. Hindi man namin lubos na maalaala ang ilan pa sa mga ito dahil sa lumipas na ang maraming panahon ay ito pa rin ay aming ipagpapasalamat. Hindi man namin alam mismo lahat ng inyong mga magagandang ngalan at hindi man namin makita kahit isang larawan, kami ay pinupuri kayo sa malaking naging ambag sa paglinang ng kakayahan at karunungan. Muli, kami ay lubos na tinatanaw na malaking utang na loo bang lahat ng inyong nagawa. Nawa’y maging silbi kayong inspirasyon sa amin na gumawa at tumuklas pa ng maraming kaalaman.


 Nagpapasalamat,

 Kyla V. Duquiatan

Oh Mga Kabihasnan, Salamat sa Lahat! (Nonilyx Jon B. Andres)

032 Bocalan St.
Amaya 3, Tanza, Cavite
ika-14 ng Setyembre 2014

Para sa mga Kapuri- puring Kabihasnan,

         Hindi ko mabilang ang aking pasasalamat, sa limang nagdaang kabihasnan, na nagbigay pasimula sa atin na paunlarin ang kanilang mga nasimulan. Hinding, hindi kayo malilimutan Mesopotamia, Indus, Tsina, Ehipto at Mesoamerica. Lahat kayo'y nagbigay sa amin ng buhay, buhay na mapauunlad pa namin at mapapakinabangan.

           Lalo na ang pinakamamahal kong mga dinastiya, ang Dinastiyang Tsina. Sa dinami-rami ng mga mananakop mo, pag-usbong ay naipatupad. Sa mga regulasyon mo o tinatawag na Mandate of Heaven, ako'y lubos na humahanga wari'y parang isang panaginip lamang. Sa Chou nanggaling ang tinatawag na Mandate of Heaven kaya ako'y lubos na nagalak. Lalo naman ang kinikilalang isa sa pinakamagaling na gawa ng 7 wonders of world, ang ding ding na ating makikita pa rin sa buwan. Ang Great Wall of China, na nagamit nila upang maipagtanggol ang kani kanilang puwersa at lugar laban sa mga mongol. Hinding hindi maipagkakaila ang mga aral ni Confucius. Talagang ika'y matututo at maliliwanagan sa kanyang mga aral. Hinding hindi din makakalimutan ang malaking naidulot ng grand canal sa pamumuhay ng mga tao. At ang hindi rin malilimutan sa lahat ay ang Civil Service Examination na nagdulot ng kaluwagan sa mga Tsinong magkaroon ng pormal na trabaho na ngayo'y napakikinabangan natin.
   Salamat sa lahat mga kabihasnan, lalo na sa Dinastiyang Tsina na hinangaan ko ng lubos.

Ang inyong tagapaghanga,

Nonilyx Jon B. Andres
   Gr. 9-Oxygen
        CNSHS

Pasasalamat Para sa Kabihasnan

Sa mga Unang Kabihasnan,
               Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng inyong naiambag na hanggang sa ngayon ay napakikinabangan pa rin. Kung wala ang inyong kabihasnan, pano na nga kaya itong kasalukuyan?
               Sa inyo nagsimula ang sistema ng pagsulat tulad na lang ng cuneiform na nagsimula sa Kabihasnang Sumer sa Mesopotamia. Dahil din sa mga kabihasnang ito, nagsimula ang iba't ibang paniniwala at kultura. Higit akong nagpapasalamat sa kagandahang asal na naidulot ninyo tulad na lamang ng aral ni Buddha na mawawakasan ng tao ang paghihirap kung susugpuin ang sariling pagnanasa at dahil dito ay makakamit ng tao ang ganap na kaligayahan o "Nirvana". Dahil sa sinaunang kabihasnan, nag umpisa ang prinsipyong karma na hanggang ngayon ay maririnig mo. Sila rin ang dahilan kung bakit unti-unting umunlad ang agrikultura. Nagkaroon ng sistema ng paninirahan at pagtatanim pati na rin ang pagkakaroon ng mga palikuran.
               Malaki talaga ang inyong naitulong sa aming pamumuhay sa ngayon. Pangakong pauunlarin pa namin ang inyong naiwan na pamana at pangangalagaan. Maraming salamat muli!

                                                                                           Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,
                                                                                                       Samantha Sherine T. Catcalin
                                                                                                                Garde 9 - Oxygen

Pagpapasalamat sa Mga Sinaunang Kabihasnan (Cervera)

Sinaunang Kabihasnan,

           Sa mga sinaunang kabihasnan, Mesopotamia, Indus, Tsina, Ehipto at Mesoamerica, lubos na pagpapasalamat ang ipinahahatid ko sa inyo. Malaking tulong ang inyong mga pamana at mga naiambag noon sa kasalukuyang panahon. Dahil sa mga ito, nagkaroon kami ng mga ideya at itong mga ideyang ito'y aming napauunlad. Dahil sa inyo, nakikita namin kung ano ang kailangang pang paunlarin at natututo kaming ibahagi ito sa buong mundo. Pinakita niyo sa amin ang inyong simpleng pamamaraan ng pamumuhay.
              Ang mga kontribusyon ninyo ay talaga namang kahanga-hanga. Minsa'y iniisip na rin namin na paano na lamang kung kami ang namuhay sa mga panahong kayo ang namahala, maiisip ba naming gawin ang mga bagay na ginawa niyo para lamang maiparating sa kasalukuyang panahon na may mga taong namuhay sa ganoong mga panahon? Maaring hindi na rin namin maisip ang konseptong ito. Maraming salamat dahil tinulungan niyo kaming maliwanagan sa mga bagay na dapat naming malaman tungkol sa inyo. Mabuti na lamang at nag-iwan rin kayo ngbakas para sa amin. Muli, maraming salamat.

Gumagalang,
Alyzza Cervera

Liham ng Pasasalamat sa mga Sinaunang Kabihasnan (Ferdinand Paolo R. Vivo)

Sa mga Sinaunang Kabihasnan,
      Sa Mesopotamia, Indus, Tsina, Ehipto, at Mesoamerica, ako ay lubusang nagpapasalamat sa mga naiambag ninyo sa kasalukuyan. Nang dahil sa inyo, nagkaroon kami ng maaayos na gamit na lalo pa naming pinauunlad para maiparamdam din namin sa inyo ang aming galak sa inyong mga ginawa. Sa dami ba naman ng problema at kaguluhan na inyong sinuong, andito kami nabubuhay para ipakita rin sa iba na kayo ang naging tulay kung ano na ang nangyayari sa mundo.
      Sa eskwelahan, ito ay itinuturo sa amin para malaman namin ang kaganapan noon na biniyayaan ang hinaharap ng mga materyal at di-materyal na bagay. Kung wala ang inyong kasipagan at katiyagaan, wala ang mga gamit ngayon na ating ginagamit upang mapadali ang mga bagay-bagay. Ano kaya ang mangyayari sa atin kung wala ang mga naimbento noon? Marahil lahat ng tao ay nakatunganga lamang at tayo ay mananatiling mangmang at walang kaalam-alam. Isa sa aking hinahangaan na naimbento noon ay ang hieroglyphics at cuneiform. Dito kasi nanggaling ang sistema ng pagsulat.
      Kulang nga ang maraming pasasalamat sa inyo sa mga naambag ninyo sa kasalukuyan. Wala na ngang hihigit sa paghanga ko sa inyo. Naliwanagan rin ako sa mga kaganapan noon sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan. Ang mga bagay ngayon ay wala kung hindi nagbuhos ng kasipagan ang mga tao sa sinaunang kabihasnan na tinatalakay na ng mga kabataan sa panahon ngayon. Dito na rin nagtatapos ang aking liham para sa inyo, Muli, SALAMAT!

Lubos na Gumagalang,
Ferdinand Paolo R. Vivo

Liham Ng Aking Pasasalamat (Joana Trisha Renae L. Anastacio)

Blk. 34 Lot 3 Phase 2 
Villa Apolonia, Naic,Cavite, Philippines
Septyembre 15, 2014



Sa mga nagdaang Kabihasnan at Imperyo ng Timog-Asya, 



               Labis akong nagpapasalamat sa inyong mga naging kontribusyon sa kasalukuyan. Sa aming aralin sa ARALING PANLIPUNAN o AP ay aking natutuhan at nauunawaan ng mabuti ang inyong mga naging kontribusyon. Naliwanagan din ako tungkol sa ilang mga bagay. Lubos ko ring naintindihan na ang ilan sa mga kultura noon ay nananatili pa ring buhay at isinasagawa hanggang ngayon. Maging sa mga naging hanap-buhay ninyo noon,sa mga naging libangan ninyo noon, at maging sa isports ay may naiambag kayo. Malaki ang inyong naging kontribusyon sa kasalukuyan,nariyan na ang sa Imperyong Maurya na kung saan nagkaroon ng malawakang pag-unlad sa heograpiya. Maging sa panrelihiyon, ang pagsunod sa mga aral ni Buddha. Sa mga naging pinuno ng Imperyong ito na sina Chandragrupta at Ashoka, labis ang aking paghanga at pasasalamat sa inyo dahil sa inyong ipinakitang husay at galing sa pamumuno ay nagkaroon ng pagsibol ng pag-unlad. Sa Imperyong Gupta na kung saan namuno si Chandragrupta, nagkaroon ng pag-unlad sa panitikan maging sa larangan ng medisina. Nagkaroon ng mga iba't-ibang gamot at iba pang panlunas sa mga karamdaman. Maging sa larangan ng Matematika ay nanguna. Sa Imperyong Mogul na nagtatag ng kapayapaan. Nagpatayo ng mga silid-aklatan at gumawa ng mga pandigmang sandata. 

               Ang mga kabihasnan sa Tsina na nagtagal ng tinatayang 4,000 years at itinuturing na pinakamatagal sa lahat ng mga kabihasnang namayagpag.Nariyan ang kabihasnang Han, Q'in o Ch'in, Yuan, Zhou or Chou, Shang, Song, Sui, Xia or Hsia, Ming,T'ang,Qing o Ching. Nagpapasalamat akong lubos sa kabihasnang Han, sa kabihasnang Q'in na nagtatag at nagpatayo ng Great Wall of china, sa kabihasnang Yuan, sa kabihasnang Zhou na siyang pinagmulan ng paniniwalang Taoism, Legalism at Confucianism. Sa kabihasnang Shang na nagsimula ng pagsusulat sa mga oracle bones. Nagpapasalamat din ako sa kabihasnang Song na nagsimula ng paraan ng paglilimbag. Sa kabihasnang Sui na nanguna sa pagtatatag ng Grand Canal, sa kabihasnang Xia, Sa kabihasnang Ming, sa kabihasnang T'ang na itinuturing na dakilang dinastiya na nagpatupad ng Civil Service Examination. At sa kabihasnang Qing. Salamat na muli.


Gumagalang,



Joana Trisha Renae L. Anastacio

Pasasalamat ang aking ipinararating.. (Rainne Kryzel M. Herrera)

(c)Google(Tom Riddle's Diary)




Mga minamahal na sumerian,
        Una sa lahat, ako'y nagpapasalamat sa pamana o ambag na inyong iniwan sa amin. Napakaraming pagsubok na nga ang tumitibag at napakaraming panahon na nga ang lumipas ngunit ang markang inyong iniwan ay eto, at napakahalaga sa bawat tao-Ang sistema ng pagsulat o Kuneiporme.
        Bilang isang estudyante, nakatutulong sa akin ang pagsulat sapagkat ito'y napakahalagang bahagi  sa aking pag-aaral. Syempre, magagawa ko ba itong liham ng pasasalamat kung hindi dahil sa ambag na inyong ibinigay? Talaga ngang napaka-laking tulong ang nagagawa sa bawat indibidwal ng sistema ng pagsulat. Noong mga nakalipas na panahon pa nga ay kapag mayroon kang kamag-anak na nalayo sayo ay patuloy parin ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulat. Sa modernong panahon ngayon, oo nga't hindi na uso ang pagsulat sa isa't-isa para sa komunikasyon, lumang estilo kumbaga ngunit sa teknolohiya, ang sistema ng pagsulat ay amin ring nagagamit. Hindi ko lang mailarawan sa aking isip ang mundo kung walang sulat na pumapalibot sa bawat haligi. Kaya't sagad-sagaran ang paghanga ko sa inyo.
         Sa lahat ng kabihasnang nag-ambag ng iba't-ibang marka, ang inyong iniwang marka ang aking lubos na hinahangaan. Paano na nga ba't ang mundo'y walang sistema ng pagsulat? paano na? lubos na pasasalamat ang aking ipinararating sa inyo hindi n'yo man mabasa ang sulat na ito, alam ko na kung nasaan man kayo ngayon, inyong nararamdaman ang pagtangkilik ng mga tao sa ambag na inyong iniwan. Muli, maraming salamat! 





                                                                                                                    Lubos na nagmamahal,
Rainne Kryzel M. Herrera