Aking Pasasalamat(Mary Maurene A.Diroy)

Para sa Mesoamerica, Mesopotamia, Indus, Tsina at Ehipto,
      Ako’y nagpapasalamat sa ating mga ninuno na kung wala sila ay siguradong wala
 tayo. Salamat sa mga natuklasan ng Mesoamerica, Mesopotamia, Indus, Tsina at Ehipto. Talagang napakarami nilang naitulong sa atin.Kung wala silang naimbentong mga bagay noon, siguradong hanggang ngayon ay wala pa din tayong alam . Salamat sa kanilang mga kontribusyon mga bagay na hanggang ngayon ay napapakinabangan , mga bagay  katulad ng mga porselana na nagmula sa mga tsino.
      Tunay ngang napakaraming naitulong ng mga taong ito. Ako ay lubusang nagpapasalamat sa kanila,ilan samga halimbawa nalamang ay ang bato, marami silang naimbento sa paggamit ng bato, batong maraming naitulong noong sinaunang panahon na hanggang ngayon ay pinapahalagahan at napapakinabangan. Mga bagay na mula noon hanggang sa kasalukuyan ay dapat ipreserba na alam nating siguradong marami ang importansya.
      Makikita natin na talagang naghihirap noon ang ating mga ninuno kaya’t ang kanilang paghihirap ay mapapakibangan pa  ng mga susunod na henerasyon sapagkat ipinipreserba at pinagyayaman natin ang mga it. Nagkakaroon tayo ng mga makabagong imbensyon na pinauunalad ang mga gamit noon. Ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat, sa aking mga ninuno, sa mga kontribusyon ng mga tao noon at sa lahat ng inyong naibigay sa amin.
      Maraming maraming salamat sa inyong lahat!
Lubusang nagpapasalamat,
Mary Maurene A. Diroy



0 comments:

Post a Comment

 

Flickr Photostream

Twitter Updates

Meet The Author